Guro

BUOD: Naalala ko lang sumulat ng isang tula patungkol sa isang Guro, Kay Sir Reny. tamang tama at napapanahon dahil kaarawan din nya ngayon. Sya noon ang tumatayong tatay namin at gabay noong panahon nagbibinata pa kaming lahat. Panahon noong kami ay nasa mataas na antas sa HS at nakakatuwang sariwain ang mga alaalang iyon. Nariyang itinatag nya ang grupong KITARI (Keen Interest of Truth And Righteous in God) sa tagalog “Kita Ari” upang maglingkod kami noon sa Diyos, ipalaganap ang “sport-mindedness” at “teamwork”, pati na rin ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtulong sa kapwa.

Pamagat ng Tula:Guro
May Akda: Meric B. Mara
Ara na Ginawa ang Tula:May 25,2010: 7:15pm
Lugar ng ginawa ang tula: BO’s Coffee Club sa Robinsons Galleria

Sa aming paglaki, ikaw ay natatanging gabay
Talas ng isipan sa amin ay inalay
Magagandang asal at pagiging malumanay
Iyong pagti-tiyaga; akay na walang kapantay

Mga Aral sa buhay iyo ring itinanim
Akin ngang naaalala pati ang paksa sa Bibliyang taimtim
Pati ang araw ng Sabado ito’y iyong gugugulin
Upang sa pagtanda namin ay may babaunin

Pag numero ang usapan,iyan ang iyong galing
Hahayaang kaming magisip kahit pa maduling
Maging matalas lang sa pagsulba lahat ay gagawin
Upang di magoyo sa pag tanda ay isipang magiting

Sa aming pangangailangan, puso mo ay nariyan
Naging tunay na ama sa amin sa paaralan
Di lang bida sa pagdidisiplina, maging sa katuwaan
Aming mga hinaing di ka nagsasawang pakinggan

Ika’y gurong huwaran, biyaya kang ginintuan
Aming lakip, kipkip mga kaalaman mong iniwan
Di masusuklian, di namin mababayaran
Kundi dapat kang ipagbunyi’t tularan

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Tagged with: ,
Posted in Uncategorized
6 comments on “Guro
  1. Renyorea says:

    Thanks Meric for a lovely poem, I have read this in my facebook account but having it here in your blog made me feel special. Thanks again and in whatever you do and whatever successes you arrive at, I will be there supporting you. Kuya Reny.

  2. fheb says:

    thanks poh!super ngandahan poh ako sa tula na ito sanay marami pang makabasa upang sila ri’y maging makata.thanks po ulit

  3. Julyn says:

    Good poem :)

  4. Ed Lester S,Gabaisen says:

    Nice poem!!!!MMK

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: