Trabaho at Payo

Ito naman yung tulang isinulat ko bago ako magkaroong ng trabaho (labin dalawang taon na ang nakakaraan) =)

Trabaho at Payo

Umagang -umaga ikaw ay gagayak na
Suklay sa lameseta ay isasama pa
Maglalagay ng pabango at magarang palapernalya
Sa pagharap sa kumpanya dalangin ay matanggap na.

Noong matapos ang eskwela akala moy tapos na
Ang mga hirap at parusa ay nagsisimula palang pala
Nakakapanghina mang isipin
Kailangang lakas ay itutuloy parin

Sa Makati man o Ortigas
Hiling sa diyos ay makajakpat
Ng isang mapapasukan na maipagmamalaking tapat
Maging ito man ay sa subik ,laguna pa o batanggas

Hindi maikakaila pag-nasa ganito kang sitwasyon
Pag may interview na- may takot at tensyon
Na hindi man dapat maghari at kumuha ng atensyon
Upang hindi humaba ang natatanging bakasyon

Kailangan dito ay may hirap at tiyaga
Dahil pag may tiyaga tiyak may nilaga
Pawisan mang mukha , ngingiti din tila
Dahil may nararapat sa iyo na tadhana

Maubos man ang litrato sa pitaka mong bago
Gayun din ang perang barya na pinamamasahe mo
Lahat ng ito ay hindi mamagkano
Isipin lagi pag-ikaw ay maynatamo

Ink ng printer- maubos man ito
At kahit pumurol ang gunting sa dyaryo
Lagi lang isaisip parte ng pagsubok ito
Kahit pa tumirik ang lahat ng mata mo.

Gayun din alisin ang hiya mong taglay
Maging makapal ang mukha – basta maging tunay
Laging isaala-ala salita ang magdadala ng kulay
Basta maging tapat sa sarili at pamumuhay

Sikap at Tiyag ang susi ng tagumpay
Samahan pa ng Panalangin- tiyak malakas na tunay
Ang sandigan sa buhay sa umpisa man ay patay
Mamaya lang o bukas GINTONG BUTIL NA TUNAY.

About these ads
About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Posted in Uncategorized
One comment on “Trabaho at Payo
  1. ang galing ng sumulat ng tula kaso gusto ko din ng trabaho rin eh

    roses

    ang pula ng rosas
    kasing pula ng labi mo
    ang puti ng rosas
    kasing puti ng budhi mo
    ang berde ng rosas
    kasing berde ng karagatan
    katulad ng puso mo
    ang pula ng roses
    kasing bango ng katawan mo
    ang puti ng roses
    kasing puti ng kalooban mo
    ang berde ng roses
    kasing berde ng kasuotan mo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: