kahel ang kulay

kahel ang kulay
May Akda: Meric B. Mara
Hunyo 17,2009

kahel ang kulay ng modernong pag-ibig
kahel ang kulay,kulay na walang bahid
kahel ang kulay pag kinikilig
kahel ang kulay ng tamis at nais

kahel ang kulay at simbolo ng kagandahan
kahel ang kulay syang inspirasyon na tunay
kahel ang kulay sa panaginip na buhay
kahel ang kulay ang masarap na ngiting alay

kahel ang kulay ng banderang tangan
kahel ang kulay sa gitna ng digmaan
kahel ang kulay sa tuwing may mapagwawagian
kahel ang kulay sa mata ng karamihan

kahel ang kulay ang kulay ng pag-asa
kahel ang kulay na laging kong kasama
kahel ang kulay na nagbibigay gana
sa lahat ng panahon kahel na kulay ay dama

hindi pula, hindi dilaw, hindi luntian o bughaw
kahel ang kuhay ang syang laging sigaw
kahel ang kulay at tanging yamang taglay
nananatiling matingkad sa puso ay lantay

purong kahel ang kulay…ang kahel ay buhay.

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Tagged with: , , ,
Posted in Uncategorized
3 comments on “kahel ang kulay
  1. richard buligan says:

    hahaha…panalo to….

  2. monaco says:

    bakit nasabi mo ang kahel ay buhay?

    • mericmara says:

      maraming salamat sa iyong panahon at sa pagbasa sa aking mga hilig sa paghabi ng mga salitat tula

      bakit ang kahel ay buhay?
      marami ang pakahulugan sa akin ng kulay na kahel bukod sa isa ito sa pinakaborito kong kulay…
      marami ring sumasagi sa aking isip patungkol sa kulay kahel (usaping damdamin, paglinang, trabaho, asim at tamis). Para sa akin isa syang personipikasyon kung kaya’t buhay at nagbibigay buhay.

      Sana’y nakapagbigay ako ng linaw sa iyong munting katanungan. Mabuhay ka! =)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: