Kita-kita

Pamagat:Kita-kita
May akda: Meric B. Mara
Lugar ginawa: Sa Serendra/Starbucks kasabay ng pag-iisip ng mga plano para sa opisina
Hunyo 18,2009

nangalap ng mga impormasyon
kung paano, sino at saan ang  pormasyon
“kita-kita” ang tema, ang usapan at baon
sisibol  muli sa likod ng mahabang panahon

mula mababa o mataas na paaralan
maging itoy kolehiyong naturan
hinding hindi maiiwasan
matinding hikbi at  masasyang kwetuhan

nandyan ang uyamang pasintabi
may mga katigan ding masasabi
mga boses sa  kwentuhang matindi
nauulinigan ang pagbababik ng dati

dumampi man ang takipsilim
pinupugod pa din ng lambing
damang dama ang pagkasabik  na malalim
sunong sunong ang mga usapin at  awitin

kaalaman mula sa balitaktakan at mga karanasan
patungkol sa mga kaibigang muling nasilayan
tuloy tuloy at walang bitawan ang syang aasahan
mula ngayon tiyak sa “kita-kita” may mina’t yaman.

talasalitaang ginamit para sa mambabasa:

  • nangalap-nanghingi ng mga detalye o imposmasyon
  • uyaman-laitan o buyuan
  • katigan-sangayunan o kampihan
  • pinupugod – Sunud-sunod na marami at walang patid
  • nauulinigan-nadidinig ang mga mensahe
  • sunong-dala
About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Tagged with: , , ,
Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: