kape

kape
May Akda: Meric B. Mara
July 19,2009

kasama ng dugong lumalatay sa katawan
hindi maiiwasan na makasama sa laban
itong kapeng mainit na aking tinuturan
nagdidilig ng inspirasyon sa tuyot kong isipan

di pansin ang kudilap pag may maitim na kape
pag seryosong nag-iisip nandyan sya palagi
tunay na nakagagawa ng mga bagay na matindi
sa sunog na mga butil na bigas wala mababali

sa pag-halo ng gatas tiyak may lambing
sa pag-sawsaw ng asukal lalong gimigiliw
itong aking kape na syang pang-aliw
sinasagpang ang damdamin nitong kapeng nakakabaliw.

kasayaw ang kutsarita sa loob ng isang tasa
sa malumanay na pag-ikot aking naaalala
mga makulay na pangyayari sa bula nakikita
sa paghalo sa kape damang dama ang pag-laya.

taas ang mga paa sa upuang kahoy
nag-iisip sa harap ng nagsasayaw na apoy
nangangarap ng malaya ang timoy palaboy
hawak ang kape na nagbibigay simoy

talasalitaan para sa mambabasa:

kudilap-malakas ng tunog ng kampana sa simbahan
sinasagpang-sinasakmal o sinasakop na pakiramdam

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Tagged with: , , ,
Posted in tula

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: