tayo’y maglaro

tayo’y  maglaro
May Akda: Meric B. Mara
July 20,2009

ama tayo’y maglaro ng tagu-taguan
sa maliit nating bahay ako’y pagbigyan
hahanapin kita basta walang iwanan
sumapit man ang gabi sa munting tahanan

ama tayo’y maglaro ng holen na bilog
may maliit na butas sa sahig ay hinubog
ating igulong ang molok na tila natutulog
isigaw ang “dyokoleleng”, maugong, matunog

ama tayo’y maglaro ng luksong kalabaw
ikaw ang taya at ako’y iibabaw
ikuba ang iyong likod at ako’y hahataw
tatalon ng mataas kasabay ng nanunuksong hiyaw

ama tayo’y maglaro ng tumbang-preso
sa latang pipit tsinelas ay ibato
magpapahabol ako,ikaw ang tayang katoto
ilag dito, ilag doon, sa mahaba mong braso

ama tuwing tayo’y naglalaro, tandang tanda ko
mga hiniling ko noong walang muwang pa ako sa mundo
habang buhay ay kipkip ang mga natutunan ko
ngayon naman sa aking mga anak, bawi ko

anak, maglaro tayo

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Tagged with: , , , ,
Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: