Parte ako

Parte ako
May Akda: Meric B. Mara
July 20,2009

parte ako ng rebolusyon
parte ako ng isang nasyon
sa puso ko’y tanging layon
maging parte ng solusyon
walang puwang ang kapararakan
walang puwang ang kakapusan
hindi nag bi-busy-bisihan
walang duda pag kina-kailangan
sa bakbakan at tuligsaan
nasa unahan at naririyan
kasamang armas lingkod na maasahan

hindi parti-partihan
hindi ningas kugon lamang
hindi palaging nang-iiwan
hindi dakdak ang panlaban
hindi sa kasayahan ako masusumpungan
hindi sa inuman mauulinigan
kundi sa problema, aagapayan
at kapakanan ng bayan ay aalagaan
parte ako ng lunas at kalutasan
na aalpas sa gapos ng kahirapan

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Tagged with: , , ,
Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: