Serbesa

Serbesa
May Akda: Meric B. Mara
Hunyo 21,2009 (15:57am)-sa balay ni Juan

isang malamig na bote ng serbesa
usapang “mabote” at maganda
pulutang isaw at sitaw ay okay na
pag-lagok, ang malasing ay di muna

dalawang bote ay kay saya
naibabalik ang mga dating ala-ala
kasabay ng mga maneng nginangata pa
masayang kampay ay kagana-gana

pagkaraan ng sampu,ano na nga ba?
iba na ang tunog at tema ng toma
kahit nabubulol na, may superhero pa
mga lolo at lola binibuhay sa mesa

sa pagsapit sa boteng ikalabindalawa
mga bote’y pilit na taas-tagay pa
bangenge, pagtayo tumba kapagdaka
may tulo laway, may hilik ang balandra

15?
20?
isang kaha?
drink moderately ang paalala

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Tagged with: , , ,
Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: