Trapik

Ito ay malayang pagbubulay-bulay namin nila Nilda at Deng patungkol sa mga pananaw sa usaping trapik (isang tulang bunga ng kolaborasyon). Natrapik kasi kame kaya ito nalang ang aming hinapunan.

Ang putahe,Ang tumula sa trapik.

Pamagat ng tula:Trapik

Trapik na naman sa kalye ni Juan
Samo’t saring dahilan aking naranasan
Ito ba’y tanda ng pag-usad o isang kakapusan
Maraming kwento, sa tula ko na lang idadaan

Trapik na trinapik ang nagiging dahilan
Binibungkal na aspalto, na ayus naman
Walang katapusan proyekto ng aming kapitan
Palibhasa’y mag e-eleksyon na naman.

Iniwang butas na kalsada ng nasa katungkulan
Kung saan dumadaan itong si kongresman
Si governor tong at asyong umeksena sa daan
init ng ulo humantong sa barilan

Trapik na naman dahil sa ulan
Trapik na dala ng bulok mong saksakyan
Sa hirap ng ekonomiya,  hindi mo mapalitan
Sa LRT kasi, sardinas na nagsisiksikan

Trapik na dulot nitong tsuper na makulit
Trapik paghinto nya dahil sa aleng pumaswit
Trapik dahil sa stoplight na ayaw nang gumana
Trapik dahil pagbibigaya’y tila nawala na

Trapik sa tabi ng mga billboard na naglalakihan
Doon sa kanto kung san tumpok mga jeep, nag-uunahan
Naglalagay pa kasi sa bulsa nitong mga kapulisan
Di bale nang matrapik, basta may isisidlan

Trapik sa umaga, dahil sa lahat ay pasukan
Trapik din sa  hapon at gabi pag nag-uuwian
Trapik din pag miyerkules,pagpunta sa Baclaran
Hapunan na,sana’y binaon na rin ang yong unan

Trapik sa Edsa pag may rally
Trapik sa Quiapo pagsapit ng January
Trapik sa Maynila pag si Pacquiao ay nagwagi
Kawawang ambulansya,sya ang nayayari

Di na makausad itong ating bayan
Gaya ng trapik na araw araw sa lansangan
Kahit mararangya sanay na rin sa trapik
Sampu-sampung nilang lulan sa makipot na kalye isinisiksik

Bawat Juan at Juana nitong nagdurusang bayan
Kung walang mahalagang pakay sa lansangan
Magtipid ng gasolina,pumirmi sa tahanan
Preno.Wag maging manhid sa polusyon ng daan

Ang init.Nakakainip.Nakakagutom.Trapik.

pahabol:
sumali sa tulang kolab.kung may naiisip pa kayong mga kadahilanan ng trapiko,maaring mag komento at mag dagdag ng mga suhesyon upang mailathala sa pahina na ito.

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Tagged with: , ,
Posted in Uncategorized
One comment on “Trapik
  1. walangmalay says:

    ayan, namiss ko ang trapik. nasolusyonan ko kasing umiwas sa rush hour. sabi nga, if you can’t beat them… go the other way.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: