Sino nag-imbento?

Pamagat ng Tula: Sino nag-imbento?
May Akda: Meric B. Mara

sinong nag-imbeto ng t-shirt na may manggas?
sinong nag-imbeto ng medyas?
sinong nag-imbento ng alahas?
sinong nag-imbento ng tsinelas?

sinong nag imbento ng pampapogi ni kulas?
sya’y politikong laging nagpapamalas
pera ng mamamayang ang laging pampadulas
suot nyang katauhan, kung sang lupalop nya dinugas

Sinong nag imbento ng eleksyon?
Para ba ito sa politikong kurakot ang aksyon
O sa mga taong nangangailangan ng tulong
Maayos na pamayanan ang syang isusulong

sinong nag-imbento ng lapis?
sinong nag-imbento ng bolpen na matulis?
sinong nag-imbento ng pambura?
sinong nag-imbento ng tisa at pisara?

Sinong nag imbento ng maraming kaalaman?
Ang ating mga ninunot guro ba? o Mga magulang?
Ang mga naluklok sa pwestong kulang kulang
Inimbento nila’y manlamang, panlilinlang

Imbentor ka rin bang masasabi
Kung ang iniimbento mo’y tsismis lagi lagi
pang-gugulo sa mga isip ang sanay na hinahabi
tungkol dito-tungkol duon, ang  talas ng labi

Sinong nag-imbento ng telebisyon?
Sinong nagsimula ng rebolusyon?
Sinong nag-imbento ng konstitusyon?
na syang magtatatag ng matikas na nasyon

ano-ano? sino ang nag-imbento?
para mapadali ang buhay ng tao
pag mali ang gamit at pag inabuso
nawawala ang halaga, imbentor ay nainsulto

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Tagged with: , ,
Posted in Uncategorized
4 comments on “Sino nag-imbento?
  1. aj says:

    sino ba talaga nagimbento????

  2. vincent says:

    ikaw ang nag imbento hahha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: