Tumula sa gilid ng kama

pamagat ng tula: Tumula sa gilid ng kama
may akda: Meric B. Mara
August 9,2009

Lukob ng dilim ang kapaligiran
sumisigaw ang sakim at kawalan
pilit sinisimsim ang pagod na isipan
sa tabi ng kama sumulat ng taludturan

inaruga ng sahig at mata’y ipinikit
hinulmang pilit ang pagal na isip
upang maisulat ang obrang sumingit
sa tabi ng kamang niyapos ng lamig.

wala na ang init na syang pinangarap
hinuha at luha ang kumitil sa yakap
sa sala ng pag-ibig na dating nagliyab
sa hamog ng pagkabigo di na maiilag

tinatawag ng pagpanaw para mahimbing
sa tabi ng kama na puno ng lagim
ang lapis pati papel ay syang kasiping
para makaalpas sa diwang makulimlim

inaalo ng ngiti pag naiisip ang gawi
sa munting paraiso na dating nagwagi
may alpombrang pag-ibig ang syang pakli
sa tabi ng kama na aking kabahagi

tipak ng pag-asa ay pilit nagbunga
namilaylay ang liwanag,tumapik pagkaraka
ang maputod na nais isangtabi na muna
ang natigatig na damdamin ihiga sa kama

mga ginamit na talasalitaan:
alpombra-carpet
karakarakang-bigla
maputod-tapusin
pakli-biglaaang sagot
natigatig-nababalisa
namilaylay–dahandahan

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Tagged with:
Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: