Kawatang si Dex

Buod: Ang tulang ito ay hango sa tunay na pangyayari. patungkol ito kay Dex(di nya tunay na pangalan) at mga katulad nya;Isang kawatan na nahuli ng mga grupong muslim at mga pulis san juan matapos mahuli sa pangsisikwat ng cellphone.Sya ay miyembro ng salisi.

Pamagat: Kawatang si Dex
August 25,2009

Sa Papitik-pitik ng cellphone
Si Dex tuluyan nang nalulung
nasawata ng mga pulis ng lumaon
Sa malamig na rehas ngayon nakulong

Tila di alintana ang naging kapalaran
walang hapdi o kirot ang naramdaman
Puring dinusta ang syang sandigan
nitong si Dex na dakilang kawatan

sinikwat ng kulimlim ang pusong malambing
sa lagim at kasalanan na sya nahimbing
ang pagbabanat ng buto ay ayaw naisin
kapalit man nito’y bilanguang madilim

piyansang dalawangpung libong piso
tanong ni dex,san ako kukuha nito?
para makalaya at tuluyang magbago
bakit ko ba nagawa ang bagay na ito?

sorry po sir at sorry po Ma’am
pasensya na po sa aking pangugulang
di na po uulitin,iyan ang kanyang tinuran
mga dahilan ni Dex ay di na mabilang.

Kakosa na ni Dex ang posas na bakal
kasama ang bigat ng kamay na brutal
mga paham na pulis na gigil mambuntal
pasa ang tato, kay Dex ang iniiwang aral

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Tagged with:
Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: