tama naman na ulan

Tama naman na ulan
May Akda: Meric B. Mara

tama naman na “ondoy” sa iyong paghagupit
malakas mong hangin ay napakalupit
sinabayan mo pa ulan mong gumuguhit
na lagim sa ilalim ng abong langit

tama naman na ulan sa iyong pagbuhos
panindang bigas di na mauubos
binaha na ang butil at tuluyang umagos
kaunting kabuhayan di na makakaungos.

tama naman na ulan sa iyong pagwasiwas
di na namin alam kung paano pang gumilas
sa ibabaw ng bubong na kami nagpapalipas
lubayan ang mga sanggol,ikaw naman ay umiwas

tama naman na ulan at hapo na kami
sa kakalimas sa baha at tubig na marumi
sa paglusong sa tubig di na mapakali
loob ng tahanan namin, wala nang silbi.

tama naman na ulan pakiusap ay kimkimin
tama naman na ulan ang aming panalangin
tama naman na ulan sana ito’y dingin
tama naman na ulan,paligid ay payapain

tama naman na ulan.

=====

Ang tulang ito ay naisulat ko dahil sa bagyong “ONDOY”.

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Posted in Uncategorized
One comment on “tama naman na ulan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: