PPP:Platapormang Pulpol ng mga Pulitoko

Eto na naman ako at tulala,malayo ang tingin at nagmu- muni- muni. Sa pagkakataong ito patungkol naman sa Eleksyon. Makikuso na rin lang e at sumasanggi sa aking isip ang napapanahong usaping ito lalo nat palapit ng palapit ang Mayo.

Napag-isip isip ko din na tila pista at matinding paligsahan ang nangyayari sa bansang ito sa tuwing ganitong kapanahunan. Lahat ng mga kumakandidato ay talagang gagasta ng limpak limpak na salapi. Nariyang primetime  ng telebisyon, spreasheet ng dyaryo o jingle sa radio para maibigay nila ang kanilang mensahe na kakaiba at karapat dapat daw.  Istilong bulok dahil may pera lang ang makakagawa nito.

Sabagay pilit man nilang iwaksi ang katotohanan na hindi sila “trapo” hindi na nila ito maitatatwa. Iisa lang naman ang mga style ng mga hinayupak na ito. Ikako nga ang “Platapormang Pulpol ng mga Pulitiko”.

1. MAGKALAT: Ang magkalat sa buong pilipinas gamit ang mga papel, plastic, naglalakihang tarpaulin, media at internet para ipaskin ang mga pagmumukha nilang niretoke na para kagwapo at kagandahan.
2. PERA NI JUAN: ang walang habas na paggamit ng pera ng mga mamayan para sa kanilang kandidatura sa Eleksyong dadayain din naman sa huli.
3. WALANG KUKURAP (co-corrupt): ang labanan o puksain ang “corrupt” para sa pwestong pinaka- corrupt.

Iniisip ko palang napapa-iling na ako sa daming perang itatapon, sa daming kalat na lilinisin,sa daming mga taong nagagago at naloloko. panahon nalang ang hinihintay at magaganap na ang mga ito. pag katapos na pagkatapos ng eleksyon na inaabangan ng marami. sigurado BASURANG MALAKI. PPP nga naman.

Tutal napag-uusapan na natin ang PPP,eto ang isang tula patungkol sa isang Politikong si Popo. Kung saan malaya nyang ikinukwento ang tunay na mukha ng pulitiko sa panahon ngayon ..  Pulidong Pulitiko.

Pulidong Pulitiko si Popo

ika nya…
ang di magkalat ay di iboboto
ang walang jingle ay talo
and di maere sa tv ay dehado
iyan ang istilo ko, istilong popo

ika nya..
nakakapraning ang kapangyarihan
kita naman sa mga huntahan
ako at kapwa kong pulitokong bu-ang
taong bayan ang tau tauhan

ika nya…
kung pera pera lang naman
di na uubra ang ibang larangan
minamagik na kabang bayan
kakapalan lang ng mukha ang puhunan

ika nya…
Nag sasabi lang ng totoo
di tulad ng aking mga katoto
ako’y tunay na pulitiko
taos sa puso ko ang maging manloloko

ako si popo..iboto..

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Tagged with:
Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: