Nang magwagi ang “KORIYAN”

BUOD: Freedom of Information Bill, sinadyang hindi ratipikahan ng kamara.

Nakakalungkot isipin na hindi talaga gusto ang FOI bill ng kasalukuyang administrasyon, isa nga naman itong batong ipupukpok nila sa mga sarili. Kung may nga artistang sumabak sa larangan ng pulitika, sila’y namay mga kongresistang artistahin… mga dramatistat komedyante kasi… Halatang halata na hindi sila sumusuporta para sa kapakanan ng bayan.

Matagal nang ninais at ipinaglaban ng mga ninuno natin ang demokrasya at pagpapalaya sa diktaturya na sa panahon ngayon ay laban naman ng ating henerasyon sa pagkamit ng nararapat na impormasyon…

Ngunit sa halip.. ang tinatamo ngayon ng kasalukuyang henerasyon ay panunupil ng mga makabagong diktaturya ang nakakatakot, mas marami sila… mas marami silang, sariling kapakanan ang nangunguna, ang pamunuan ng mga lider na “koriyan”.

Sadyang pakapalan nalang ng mukha ang kanilang laban, binabayaran upang hindi gumawa ng kabulastugan at ipakita sa publiko ng walang takot at hiya,  na lumiban sa pagpasok, upang hindi maratipikahan ang isa sa napakapahalagang batas para sa ika-aangat natin sa isang Bayang lugmok sa korapsyon… tungo sa ikauunlad ng bayan. Talaga ngang nasakop na tayo ng mga “koriyan”. Sa ganang akin lang naman. Babalik din sa mga anak nyo iyan mga hinalal ng taong bayan.

Nang magwagi ang “KORIYAN”

sabi ng pulitiko
magkano koriyan
porsyento sa proyekto korian
parteng ibubulsa koriyan
koriyan..koriyan..koriyan

sabi ng mamamayan
sapul ang buwis koriyan
kalam na naman ang tyan koriyan
wala na ang pinaglalaban koriyan
koriyan..koriyan..koriyan

sabi ni inang bayan:
hapdi na ng puso koriyan
patang pata ang katawan koriyan
umatras na pag-unlad koriyan
koriyan..koriyan..koriyan

nang magwagi ang koriyan

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Tagged with: ,
Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: