Imbentong Laruan

Ewan ko ba at biglang pumasok sa utak ko itong bagay na ito-usaping laruan,Noong bata nga pala ako bibihira akong mabilhan ng laruan ng aking mga magulang.Kung mabilhan man ako, mumurahin lang at madalas narerecycle ko pang maging isang uri pa ng laruan.

Madalas-dalas yung mga laruan ko ay galing sa gamit na luma o mga bagay na nakikita ko sa aking kapaligiran.Na siyang nagpapalipas ng aming oras, nagbibigay ng ngiti at ligaya ng aming kabataan.

Pamagat ng Tula: Imbentong Laruan

July 19,2010

Ang Voltes V  ko noong ay gawa sa lumang dyaryo
Putik at basag na salamin ang aking teleskopyo
Tinik ng isda ang aking eroplano
Eto ang mga gawang laruan sa sarili ko ay regalo

Ang dahon ng niyog ang panggawa ko ng bola
Sirang tsinelas ang bangkang pangkarera
Sa labanan ng sasakyan di papahuli ang lata ng alaska
Ang bala ay katikbe sa barilbarilan ko ay bida

Patpat ng kawayan ay nagsisilbing espada
Lumang walis tambo ang kabayong nilalarga
Supot ng pandesal ang aking sumbrerong magara
Handa na ang bikas na aking pang gera

Lumang plastic bag ang aking sarangola
Ang laro ng anino at gasera ang aking pelikula
Sa eraplanong papel mga pangarap ay ikinakasa
Mga matataas na talahib ay ginagawa ring kweba.

Di pa uso ang Komputer at wala ding Sega
Ang Xbox at Wii ni wala pa sa eksena
Noon pa man Atari at Game&Watch sa aki’y tila laos na
Mga laruang inimbento ang nagsilbing ligaya

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Tagged with:
Posted in Uncategorized
One comment on “Imbentong Laruan
  1. jlox says:

    Galing! Nakakamiss itong ganito. Bibihira na makakita ng mga batang ganito sa panahon ngayon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: