Mag-impok

Matagal tagal ko na ding nabili ang alkansya kong asul na plastik na hippopotamus na nakapatong sa mesa sa aking opisina.
Sya ang nagsisilbing impukan ko ng aking mga barya na natitipid ko araw araw. Onti nalang kasi at mapupuno na sya.
Naisip ko lang ding sumulat ng isang tula patungkol sa pag-iimpok.

Pamagat ng Tula:Mag-impok

isinuksok ang barya
sa siwang ng alkansya
bumuo ng tahanan
pangarap na talima
ito’y mabuting gawi
na aking namana
ang mag-impok at magtipid
upang maging masagana

mapa piso o dalawa
sampu man o kahit lima
maliit man sa simula
tiyak dadami basta’t di papalya
pangarap na edukasyon
matutustusan na
kinabukasa’y makakamtan
na di matatawaran sa halaga

payo ng aking inkong
na minsa’y nahilig sa pag-inom
bat di natin gawing bisyo
ang isubi na lang ang pang-alak at panigarilyo
“mas nanaisin mo ba apo
sa sakit ika’y magupo?”
isang simple’t praktikal na palaisipan
na sagot sa tuwing tayo’y mangangailangan

mag-impok.

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Tagged with:
Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: