1998-Edukasyon

Yung huling tula na binigay ko sa aking ina noong 1998,nakita ko sa archive na nais kong ibahagi. Tula ito na ginawa ko bilang regalo o alay sa aking matiyaga at mapagmahal na ina.
“Edukasyon”
May akda: Meric B. Mara

Tandang -tanda ko pa ABAKADA ni ama at ina
na siyang unang nagbukas ng isip sa letra
edukasyon ko noon ay sa kanlungan pa nila
may piso akong baon at kendi sa twina

lumipas ang ilang taon ako ay kanilang itinuon
sa paaralan, may pormal na edukasyon
at may guro nasa akin ay gagabay doon
at ang piso kong baon , dalawang piso na ngayon

Sa eskwela hinubog ang isipan kong tulog
tinuruan mag isip ng tama at angkop
dito ko rin naranasan ang hirap na lugod
nasa kinabukasan ko ay siyang papalaot

kagandahang asal dito rin naturuan
ng mga propesor na tunay na huwaran
sa araw ng pag-susulit kahit na nahihirapan
pagnaipasa naman ibang klaseng pakiramdam

Kay sayang alalahanin lahat ng nagdaang tambing
ukol sa edukasyon na nagbibigay giliw
mula elementarya hanggang sa ngayon aliw
dahil ilang panahon nalang ay iba na ang darating

Kaya sa napipinto kong pagtatapos alay ko po na lugod
ang aking natutunan sa paaralan kong tibobos
lubos-lubos na pasasalamat aking ipinaaabot
sa aking mga magulang, guro, at sa ating Diyos!!!

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Posted in Uncategorized
6 comments on “1998-Edukasyon
  1. dimple says:

    ang ganda naman po ng tula mo.
    nakka ispire .

    22o lahat ng nakasaad sa tula mo
    sana ipag pa2loy mo yan

    un Lng🙂

  2. marjorie says:

    napaka ganda at napaka sarap isipin n sa nalalapit n 3 taon ay makakamit q n ang tagumpay n inaasam ng lahat . :’) to God be the glory

  3. Conel dawang says:

    Nakakarelate po ng tula nyo na iyak tuloy ako

  4. honeygrace says:

    isang napakagandang tulang nag bibigay inspirasyon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: