Ang Lamat

Pamagat:ANG LAMAT
May Akda: Meric B. Mara

Bitak-bitak na ang bungo, warak na bumbunan
Manhid na sa tunay na karamdaman
Sariling kagustuhan at madayang pangangatwiran
Huwad na katotohanan ang kabuhayan

Ang palasak na bukang bibig ay kagandahan
Na taliwas sa paninindigan at pagsambang kinamulatan
May Lamat na ang kaluluwa tahasan pang binibida
Pag sisisi ay sa salamin at barag na di na umuubra

Ang pagkupit ay tinakda na tila matatag na batas
Sa pusong walang patid ang iyak tila panis na gatas
walang patumangang pagpipigtas sa kayamanang di likas
Binu buyangyang ang pagkataong walang bakas

Tinatagpi ng salapi at karangayaan ang retasong katauhan
Sa piling ng pagkabantog na kanlungang nilumot na batuhan
Bingi sa sariling mga salita na sakdal sa rehas ng katotohanan
Duwag sa hamon ng tagumpay at lamat na puso ang sukatan

gumuguhit ang mga kuko habang mga likod ay hinahagod
unti unting pinapaslang katinuan ng walang muwang sa pagkayod
nalansi at kapos sa karunungan ng buhay na malugod
mala kalyong lamat na puhunan ay pikit mata nilang sinasahod.

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: