Perwisyong Kapitbahay

Ang aga aga perwisyong kapitbahay agad ang sumasalubong ng araw ko. Biruin mong nabagsakan nya ng sampayan nyang bakal ang aming kotse. Anong nangyari? Di nagasgasan at natuklapan ng pintura ang kotseng pula.

Sa aking palagay ay wala namang problema sana. Kasi talagang minsan may mga pangyayari sa buhay na hindi sinasadya. Pero ang pinakanakakainis ay iyong sadyaing wag humingi ng pasensya sa kasalanang kanyang ginawa.

1. Mali na yung paglalagay nya ng sampayan sa tabi ng kotse. Lagpas na iyon sa kanyang inuupahang sakop.

2. Nakita na nyang tinamaan ng sampayan yung kotse, aba lintik tila walang nangyari at talagang kinubli at di manlang nag effort na magsorry o humingi ng pasensya.

Kailangan pa talagang katukin sa bahay nila at itanong ang pangyayari,tsaka lang maiisip ang kanilang mga katarantaduhan. Talaga nga namang magiinit tumbong mo. Pagtinanong mo naman kung babayaran yung danyos ay parang napakaamong tupa. Sarap tadyakan. Buti nalang at kinakalabit pa ako ng aking mga natitirang angel upang payapain ang aking inis at baka kung saan pa humantong. Talagang hinahamon ang aking hinahon. Buti nalang at marunong akong magbalato.

Hindi lang talaga nakakatuwa ang minsang ugali natin na tayo na nakapwerwisyo tayo pa ang magkukubli. Manong mauna na tayo sa sa pagpapakumbaba ng hindi na lumalaki pa ang mga diskusyon. Natamaan mo ng sinampay ang kotse..manong kumatok ka sa bahay at sabihin mong pasensya at di sinasadya. Di pa sana nasira araw ko kaysa yung ako pa ang magisip at magfigureout kung bakit may gasgas ang kotse. Tapos pagmainit na ang ulo ko at nalaman kong ikaw ang may sala eh para ka namang tupang maamo pa sa santo. Nakakaloko lang.

Perwisyong kapitbahay!

Hoy Kapitbahay ko
ni:Meric B. Mara

Hoy Kapitbahay ko
Ano ba talagang trip mo?
Rambulan ba ang gusto
bakit sa aki’y namemerwisyo

Hoy Kapitbahay ko
Pasintabi minsa’y ibalato
Sa masagwang asal mong Aso
para tayo di magkandaloko-loko

Katok lang ang hinihingi
pag ikaw ay nagkakamali
makikinig naman kaming lagi
Wag na wag kalang mag kubli

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: