Sarap Kumain

BUOD: Aaminin ko na, Hindi talaga ako mahilig sa mga mamahaling pagkain dahil sa kadalilanang hindi ako nabubusog. Mas ganado akong lumantak ng mga pagkain na paginiisip ko ang sarili ko at para lang akong laging nasa bukid o di kaya’y nasa tabi lang ng dalampasigan. Mga pagkain na noong bata ako at ako mismo ang naghahain.Bigla ko tuloy naalala ang mga Lola’t lolo ko. Salo salo kasi kami noong. Naalala ko din ang Tatay ko na syang madalas ang nagluluto para sa aming magkakapatid. Mga pagkaing hindi kahirapang maihanda para mabusog. Hindi ko na inilagay pa yung ibang pagkain na nais ko sa Tula. Ang Piniritong Talong,nilagang talong at Okra na madalas at ininasawsaw ko sa Bagoong Isda.Nandyan na paborito ko ding kainin yung sardinas na may miswa at pag sinuwerte swerte ay may halong petsay pa.

Itong tulang ito naman ay isinulat ko dahil sa naalala ko lang bigla yung kinain kong mga putahe kagabi. Sarap kasing Kumain pag ganito ang nakahain.

Sarap Kumain

Lumilinamnam ang pagkain
Lalo na’t Tuyo ang nakahain
Isawsaw sa Sukang Maasim
Nakakaganang kumain

Sabayan pa ng puso ng saging
Laga lang o sapaw sa sinain
Bagoong Isda sawsawang gamitin
Tiyak napapadami ang kain

Bonus pa ang itlog na pula
Nasa kamatis ay inihalo-halo pa
Sa Wantsoy na nagpapalasa
Bundat sa sarap na dala

Mamasa masang sinaing
Dyan bagay ang mga ulam na hain
Basta “kamay” ang gagamitin
Bilot bilutin bago isubo ang kanin

Sarap Kumain…

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: