Alay sa Iyo

Isang Tula noong akong nasa HS pa.

 

Alay sa Iyo

Isang umagang maganda
Ang nakangiti sa t’wina
Mga alaalang masaya
Habang tayo ay magkasama

At sa pag-sapit ng dilim
Ligaya ay tuloy pa rin
Tila walang hanggang tanawin
Pag-magkasama sa baybayin

Mga lakarang may lambing
Sa aking gunita’y gumigising
Walang sinuman ang lalansing
Nang yamang pag-ibig na tambing

Mga makukulay na ngiti
Hatid ay sayang bumabati
Sa kwentuhang mang unti-unti
Ang pusong may pag-ibig ay lagi

Mga tampuhan ay winawaglit
Ng mga pusong sakdal kulit
Upang sulirani’y pumuslit
Sa ating pagsasama’y sumulit

Parang tubig sa himpapawid
Na kahit kailan ay ‘di liligalig
Dahil sa pundasyon na pag-ibig
Sa atin ay walang sinuman ang lulupig

Kayat hiling sa may kapal
Sana’y magtuloy-tuloy lamang
Ang pagsubok mang nanlalamang
Walang karapatang humadlang

Bagkos, magsilbing tulay
Nang pag-mamahalang tunay
At laging maghahari sa puso’t isipan
Maging dantay ng pag-ibig habang
tayo’y -BUHAY!!!

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: