Anibersaryo

Eto noong akoy nasa College

Anibersaryo
Mayo nagsimulang tumalon ang puso ko
Dahil sa tuwa at sa pagsagot mo ng ” OO”
Tila baga bulalakaw ang bilis ng tibok nito
Labis-labis na tuwa ang siyang nadarama ko

Alasais trenta y otso, patungong Mindoro
At biyaheng batanggas kung matatandaan mo
Mga Barko sa may pier kahit magulo
Ang nagsisilbing tagahatol na nagmamahalan tayo

Iyan ang simula ng ating Anibersaryo
Ang araw na takda, na ikaw at ako
Laging ipagdiriwang sabayan man ng bagyo
Kahit pa pagsubok, ang mga puso ay iibayo.

Sana sa pag-gising,araw ay ngumiti
Dahil sa damdamin nating nagwagi
A bente otso man o hindi, saya ay babati
Dahil sa pag-ibig,na hindi na mahahati

Atin isaisip na ang araw ay limilitaw
At ito’y lumulubog sa dapit hapong mapanglaw
Ngunit kahit ano pa ang dating nito at pagpanaw
Ang takdang liwanag nito,sa pag-ibig natin ay ilaw

Mga kayamanan na pagsinta, ating igunita
Marami pang panahon sa atin ay sisira
Ngunit lahat ng iyon ay mapapariwara
Lalo’t Anibersaryo natin, sa puso ,isipan at diwa.

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: