INTERNET

Tula ko noong ako’y unang nagtrabaho sa pworld.

INTERNET

Makabago na talaga ang mundong ginagalawan
hindi inaasahan pagbabagoy nagdadaan
mga makabagong teknolohiya sadyad walang hunghang
dali daling lumilipat sa makabagong kabuhayan

mga komputer ngayon biglang nagdasaan
konek dito at doon ngayon ang libangan
mga network ngayon tila di mapigilan
sa pagbigay ng impormasyon tiyak na kapakinabangan

akin ngang naaalala ang abakus ni lola
na kung aking ikukumpara isang pindot nalang sya
sa aking natatangin keyboard nag nagmula pa sa amerika
na syang susi sa pagsisiyasat sa internet na kilala

kung noon ay isa,dalawa,tatlo apat at lima
ngayon may 28.8, 33.6 at boom 56k na pala
ganon na kabilis ang access na dala
tatawid sa hinpapawid at isang iglap yahoo na talaga

yehey,altavista, hotmail ay umapila
sa technolohiyang walang hiya sa pag-usad ay nadala
ibat ibat ISP ngayon ay naglilipana
may naghahariharian dahil sa bilis na dala

sa pagdownload ng paborito siguraduhin ang proxy mo
upang maenjoy ng lubusan ang persian kitty na site mo
ngunit hinay lang kaibigan sa internet ay walang taguan
tiyak huli karin sa hilig mong patunguhan

akakalungkot at nakakatuwa mga ngiti ay mababalewala
sa 14 inches na monitor relax lang paripara
sa handshake ng modem ikaw nga ay ngingiti na tila
after veryfying your password tiyak na ang pasinaya

may protocol din na dapat na iset
mas masaya kung ikaw ang kumakain ng pansit
sabay check ng mail tapos gigimik ng sa set
kahit illegal operation ang win98 na bwiset

sa internet may makikilala sa “asl” na palaos na
“care to chat “na kasi “brb” pa ang nakapila
puro pambobola sa MIRC na sandata , bokya na ang kartada
minsan ICQ pa ang pambala

kahit down na down na ang koneksyon na inarkila
hindi pa titigil hanggat may hininga
dahil 24 hour naman ang ISPtech na tutulong sa kanila
daliri ay pupudpurin sa telepono ring ng ring na minsay busy pa

ang internet nga naman kay layo na ng napatunguhan
may darating panga, mga teknolohiyang hunghang
sa pagpikit ng mata ikaw ang bubulantang
minsan, minsan dahil sa INTERNET na naturang.

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: