Kaibigang Tunay

Naalala ko din ang isang samahan noong akong nasa kolehiyo. Kasama sila tita Tere,Kateng,Adora at Mommy Riza (mga ka-tropa kung tawagin ko noong ako’y College) nahilig akong makinig ng mga awiting papuri,kaya itong isang tula na ito na ginawa ko ding kanta (awit ng papuri) noon at inialay ko sa ating Tita Tere. Na sa kabila ng aming mga dinadaang suliranin ay laging may aagapay sa amin.naalala ko pang inilalagay namin ang liriko nito sa aming mga photo album noong panahong College at maliliit pa kame. =)

Sa ngayon, sa mga kasalukuyang problema o mga mabibigat na dalahing dumadating sa aking buhay. Itong kantang ito ay nagsisilbi pa ding gabay at inspirasyon para sa akin.

 

Kaibigang Tunay
Sa iyo o kaibigan kong nalulumbay
Ako’y may pangyayari sa iyo’y isasalaysay
Ito’y tungkol sa akin, at aking buhay
Nang panahong bigo at nalulumbay

May isang pangyayari na sa akin ay dumating
Ito ay suliranin sa aking damdamin
Hindi ko nga malaman ang aking gagawin
Kaya’t ako nalang ay nanalangin

May dumamay
Kaibigang tunay
Sa aking pag-iisa, ay merong dumamay
Siya si Kristo, kaibigan ko
Nais ko siyang ipakilala sa iyo
Sa problema tutulong siya
At sa iyong pag-iisa
Kasama siya…

Dahil sa nangyari ang buhay ko ay bumuti
Lahat ng suliranin ay tinangay na ng hangin
Ngayon ang aking buhay ay makulay
Dahil meron ng gumagabay

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Posted in Uncategorized
5 comments on “Kaibigang Tunay
  1. maricar says:

    Namiss ko toh.
    Di ko na naririnig to but definitely this is one of my favorite ^__^

  2. Alcher Lime says:

    pwede bang gawin mo yang kanta???…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: