Nag-aalab na Kalinga

Nag-aalab na Kalinga

Malamig man ngayong kapaskuhan
Balabal ng kalinga sa mga bata’y ilaan
Sama-sama, kapit bisig, magdamayan
Ngiti, Tuwa, magsasabog ng kagandahan

Samu’t saring aklat na aginaldo
Tiyak di mababato, wala pang bobo
Kaalaman at pagsusuri’y matatamo
Buhay ng mga paslit yayabong,lalago

Sa mga laruan namang naipamahagi
Hindi anyo nito ang mananatili
Kundi mga halakhak nitong sukli
At ang paglingap sa mga bata’y mamalagi

Simpleng lapis,papel at krayola
Mga munting pangarap maiguguhit na
Maging ang himig na saliw ng pag-asa
Maitititik sa kasaysayan nila

Kapus ka man sa materyal na yaman
O Salapi sa bulsa’y kapirangot man
Pag nag-aalab na Kalinga’y naranasan
Higit pa sa jackpot ang yong nasumpungan

Malamig man ngayong kapaskuhan
Kalinga’y pagningasin ang kariktan
Sama-sama, kapit bisig, magdamayan
Upang galak, pagibig maghari sa sambayanan

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: