Tinatamad

Ewan ko ba.

Nitong mga nakaraang araw pakiramdam ko ang laki na ng itinanda ko.

Ang sigasigasig ko naman sa mga gawain naiatas sa akin ngunit parang may malaking hadlang at pagpreno na akong nararamdaman. Sabi ko nga noong bata pa ako, kung nagawa ng iba ba’t hindi ko nagagawa. “yakang yaka iyan!” iyan lagi ang aking madalas na sinasambit. Kaya lang siguro parte ng pagtanda siguro na kahit kaaano mo kagusto ang isang bagay tapos madami ka namang naririnig na mga HIRIT  at mga SALI-SALITANG nakakapika sa paligid. Di mo maiwasang tamarin minsan. kung ihahalintulad ko nga sa usaping Kalsada, ang ganda ganda ng takbo ng sasakyan wala namang trapik,puro kung may siraulong maghahagis ng mga pako at pambutas ng gulong mo. Tiyak hihindi ang sasakyan mo at may paglalagyan ka. badtrip lang ang mga ganitong Eksena. Buti nalang pag nasa ganitong sitwasyon ako,dinadaan ko nalang sa Pagtula sa Pag-gigitara ng maiba na muna ang simoy ng hangin,pasasaan at babalik din naman ang gana at sigla ko. nagkataong tnatamad lang ako ngayon.

 

Tinatamad

umaatras ang gana
bwelo ay nawala na
hirit na pangamba
damdamin ay nagdurusa

nais lang umupo
mga paa’y bilango
napapako sa bangko
tingin ay malayo

saksak ng salita
matalim na bunganga
salot sa paggawa
pinatay ang biyaya

mukha’y tulala
sa kwarto’y nakahilata
damdaming binutata
tinatamad ng magkusa

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: