Panaginip

Lagi ko ngang kinakausap ang sarili patungkol sa mga pelikulang kung saan ay talagang manghang mangha ako sa istorya.Tinatanong ang sarili na paano ba nabuo ang kwento ng LORD OF THE RINGS? NG HARRY POTTER? mga kwento na may mga patungkol sa KAHARIAN,KWEBA,LAGIM,ANG BIDA,ANG KONTRABIDA,MANGKUKULAM,DIWATA, MGA DRAGON atbp ..Lagi kong sinasabi sa sarili ko na kaya nabubuo ang mga ito ay dahil sa galing ng mga may akdang mag-isip..maglaro ng isip. Malaking malaking susi talaga ang kanilang pagpapalawig ng mga imehinasyon. Lagi ko nga ding naaalala ang tinuran ng isa sa mga idolo na si “Einstein” na Imagination is more important than knowledge.

Pero kanina,pagkagising ko mula sa kama, manghang maha din ako sa katotohang PWEDE PWEDE ding magbigay ng malaking kontribusyon sa mga ganitong usapan ang tinatawag na PANAGINIP.

Bata palang ako ay madalas na akong nananaginip ng mga kakaibang mga kwento,Ngunit sa kasamaang palad sa dinadami dami nito ay madalas nawawala makalipas ang ilang oras mula ng aking pagkamulat (ganun talaga ata ang PANAGINIP madalas dalas hindi mo na matatandaan). Kaya nga naisip ko na pagmnagkaroon ako ng mala ganitong uri ng panaginip, dapat may katabi ako laging kwaderno at isusulat ko siya upang hindi na mawala.

AT NANGYARI NA DIN SA WAKAS SA UNANG PAGKAKATAON:

Sa wakas sa kaunaunahang pagkakataon at naisipi ko na din ang Buod ng isang magandang panaginip. Medyo malinaw na sa akin ng mga eksena, ang mga Bida, at mga Kontrabida,saan papasok angPrinsesa at mga labanan ng kaharian. Wala pa akong maisip na pamagat sa ngayon at patuloy ko pa din pinagdidikit  dikit ang ilang eksena upang tuluyang maging makulay ang presentasyon nito.

Sana’y sa lalong madaling panahon ay mabuo na ito ng tuluyan.

Abangan nalang nating lahat! Para sa atin ito!

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: