Bagong Tambayan

Nahihilig na akong tumambay ngayon sa conference room namin dito sa office.

Magandang view ang mga natatanaw dito, kitang kita ang mga naggagandahang ilaw sa makati lalo na sa gabi.Ang mga bahay sa kapasigan at maging ang mga eroplanong nagpaparoot parito sa airport ay tiyak na masusuplungan.

Swabeng swabe din ang sa sarap ang hangin dito.Swak na swak pag nagiinit ang ulo ko bukod sa hindi ko na kailangang magbukas ng aircon at nararamdaman ko ang lamig ng hangin na sa tuwing ako’y pipikit eh tunay namang nakakarelax talaga.

Minsan,dito na din ako natutulog sa sahig na mala kahoy ang dating,di ko na kailangan pang mag lagay ng sapin. ilalapat mo lang ang likod mo sa sahig tiyak mapapasarap na ang tulog mo.

Nakakagana din kumain dito at magkape. Bubuksan mo lang na siwang ng salaming bintanan ay tiyak na ang pagsama sa iyo ng sariwang hangin.kung medyo sisipag sipagin ka pa nga ng konti,maari mo ding buksan ang iyong laptop at patugtugin ang iyong paboritong awitin tiyak na din ang iyong pag-iling iling sa saliw ng iyong nais na kanta. solb!

Madalas din namin tinatawag itong “WAR ROOM” .Dito kasi kami nag babalitak takan kapag may nais kaming sulbahing problema para sa pagpapaunlad ng aming grupo at ng kumpanya.

Kaya ngayon, eto na ang aking bagong opisyal na tambayan. Dito na din muna ako mag lalagi upang magbasa basa ng mga aklat.mag internet (may Wi-fi) naman at masarap dito pag gabi dahil sa maganda ang ilaw at kapayapaan ang hatid sa akin.

O ano pang inaantay? tambay na?

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: