Pamana ni Rizal

Biruin mo may namana pala akong lupain galing kay Gat. JR o kilala sa tawag na Jose. 60 percent ng lupain at lahat ng kanyang pagaari ay sa akin ipinangalan. Wow! Kakaiba talaga itong aking inkong. medyo hindi kasi malinaw pa yung mga detalye kung paano nangyari pero sige at subukan kong ikwento kung bakit.

Kapitbahay pala namin si Jose, Noong bata pa sya ah madalas syang nagkukulong sa kulungan ng Aso. dun nya binasaba ang kanyang mga paboritong aklat. daig pa ng paligid ng kulungang ito ang silid aklatan maging ang national library ng pilipinas sa dami ng mga librong nakapaligid at babasahin. kakaiba ang sipag nitong ating si Gat JR. madalas nakikita ko si Jose sa pagbabasa at minsan ako na ang nagbibigay sa kanya ng pagkain,inumin at nagdadala ng lampara pagsumasapit na ang takip silim.

Takot na takot ang mga kastila noon sa kanya dahil sa sipag nyang magpabasa. ayaw kasi ng mga kastila noon na may masmatalino pa sa kanila. kaya pag nalaman nilang isa kang aral na tao ay mauuna ka sa listahan ng kanilang mga pinafiring-squad sa china (daig mo pa ang mga nahuhulihan ng mga bawal nagamot) at syempre maging sa luneta.

At dumating ang di inaasahang pagkakataon,hinatulan nga sya ng kamatayan. December 30..PATAY na si Jose. Lahat ay nagimbal sa pangyayaring ito. nagluksa at walang patid ang iyakan ng sanlibutan

Naghirap ang pamilya ni Jose at ibinenta ang mga aklat nya at mga ariarian para lamang matustusan ang kanilang mga pangangailangan. lingid sa kaalaman ng lahat may alagang ahas si Jose, matapos ang ilang panahong nagdaan natuklasan ito ng kanyang ama at kasama itong naibenta. mahigit limampung piye ang haba nito at binili ito ng gobyerno ng pilipinas upang maihanay sa mga ahas na nasa manila zoo. nagsilbing panandaliiang pantawid gutom ang napagbentahan nito.

Ang huli sa listahan ng ibinenta ng Ama ni Jose na si Mang Gusting ay kanilang bahay. Na kung saan si Jesika Soho and bumuli. Nais kasi ni Jessica na mag mayari ng isang bahay na galing sa isang prominenteng pamilya at nangyari ito sa pagkakataong ito.

Pinapalitan ni Aling Jesika ang ilang parte ng bahay at ninais nyang maging bato ang parte ng bahay na ito. At dito na nagsimula ang aking panama. May nahukay kasing baul na kung saan May Huling habilin si Jose. Malinaw na nakasaad na ang lahat ng iiwan nyang kayamanan ay dapat na ipamana sa akin. OO sa akin…nagulat ka ba? nakalagay ang pangalan ko doon. 60% Meric Mara daw..o ha! ganun kami ka close ni Doc. Kung nabubuhay lang sya..maari mong itanong at masaya nyang ikukwento ang aming barkadahan.Kaya walang magawa si aling Jesika kundi sumunod sa kasulatang ito. Ang sabi lang sa akin ni aling Jesika ibibigay nya lang yung 60% kung bibigyan ko sya ng 60 piraso ng sabong safeguard. weird!

Ang pinaka nakakainis lang lahat ng pamanang ito ay nawala noong ako’y nagising na mula sa aking pagkakatulog. Badtrip Alas Otso na! ISANG PANAGINIP LANG PALA! di ko na din tuloy naibigay ang 60 pirasong sabong Safeguard kay aling Jesika. hay! (hingang malalim)

makaligo na nga lang…

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Posted in Uncategorized
One comment on “Pamana ni Rizal
  1. CRISTINE says:

    we must like our history we must proud of being pilipino//////////………thank you god bless

    in joshua 1:9 BE STRONG AND COURAGEOUS DO NOT BE TERIFIED DO NOT BE DISCOURAGE
    FOR I AM THE LORD YOUR GOD WHO IS WITH YOU WHEREVER YOU GO……

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: