Charice Pem-Penguin

Pagkagaling Pampanga kagabi dumiretsto na kami ng Makati para sa Philippine Web Awards.Late nga lang ng kaunti dahil mga lampas alas otso na din ng kami’y makarating. Pasok kasi sa Finals yung aming Community Project na KahelOS . Di man pinalad na mabiyayaan ng tropeyo Sulit naman sa saya ang kulitan kasama ang mga 8liens.

Medyo napuna ko lang sa Event na parang hindi gaanong napaghandaan, parang taon-taon ay paatras ng paatras ang mga kasiyahan.Ito yung medyo nakakadisappoint na parte ng gabing ito. DI DIN KASI BIRO YUNG HALAGANG BINABAYAD UPANG MAKADALO KA! at tulad naming galing pa sa malayong lugar noong gabi na iyon na halos madapa,,taranta,ang nakikipagbuno sa kalsada upang makadalo. Kaya medyo hindi patas na hindi pinaghandaan ang isang event tulad nito (Simpleng tshirt ay wala at may raffle coupon na nagsilbing papel lang dahil wala naman talagang naganap na raffle).

Naaalala ko noong mga unang taon nitong PhilWebby kung saan ay nalalagi din kami sa parangal na ito ibang “level” ang saya at mga pakulo. Ang poproblemahin mo lang noong ay ang mga mahinang klaseng materyales na ginagamit sa trophy dahil madaling mabasag (eto nga’t may alaala pa ang aking mga daliri (labing pitong tahi) na nabasag mismo kasalukuyang nangyayari ang event). Sana sa mga susunod na taon ay maiba naman! Kasi paunti na ng paunti ang dumadalo at muli hindi biro ang mga binabayad ng mga dumadalo at ang iba ay nanggagaling pa sa malayong lugar.yaiks!

Buti, Nalang nandun si Manong Noel Cabangun na nagbigay ng masasarap na musika (pero kung gusto mo syang mapanood at mas higit sa tatlong kanta, pumunta ka na lang kasama ng mga kaibigan mo sa conspiracy tuwing miyerkules). Syempre,Si Michelle O Bombshell din (kaya lang last year parang mas madaming uri nya, at kung gusto ko din syang mapanood punta ka ng comedy bar dami pa sila) Tapos natuwa ako dun sa sinabi nyang kung sya’y mangkukulam kukulamin nya si Charice Pempenco at gagawin nyang “Charice Pem-Penguin”. Sabi ko nga matutuwa nito si Juancho ang Office Mascot ng 8layer at KahelOS na Penguin Mascot at may maliligawan na sya at siempre pa aalayan sya ng kanta… pyramieddddddd =)

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: