Amigo:Mahusay…Nakakakilig…Nakakagigil!

MAHUSAY!
Walang duda ang aking pagpupugay kamay sa mga bayani sa modernong panahon (mga artistang gumanap, producer, direktor, extra, prod assist, driver, kusinero, alalay, karpintero, basta lahat ng naging parte ng pelikulang upang mabuo. Iginagawad ko din ang aking natatanging pagsaludo sa artistang si Joel Torre sa kanyang walang kupas na pagganap bilang Rafael Dacanay. Mabuhay ang Cabeza! Mabuhay ka Amigo!

NAKAKAKILIG!
Nakakaaliw din yung panunuyo ng isang amerikano sa isang babae sa Baryo! Patuloy man ang kanyang naising magkaroon ng talastasan sa pagitan nila ng isang dalagitang taga-baryo sa kabila ng hindi nila pagkakaunawaan ay idinudulog nya ang kanyang tapat saloobin. Malinaw naman ang kanilang mensahe na sila’y nagkakagustuhan “Body Language” nga naman =) ikanga sa mga kadalagahan at mga kabinataan “Kilig to the bones” ang eksena =)

NAKAKAGIGIL!
Ang sarap pagkukutusan ng mga prayle noon pa man. Masyadong halata ang kanilang pagiging mataaas at pang-aalipin sa mga Pilipino. Epektibo ang paglalahad ng pelikula upang maantig ang manonood sa mga pangyayari, arok mo na ang relihiyon ay ginagamit lamang nilang pananakot at panunupil sa kamangkamangan ng ating mga ninuno at naging sagwil ang nimdim ng pananampalataya ng mga tao noon tungo sa kaunlaran at kasarinlan!

Sana Suportahan pa natin ang mga ganitong dekalidad na Pelikula! =)

Side track lang mga kapatid:

Ang sarap kasing iugnay/i-angkop o magkaroon ng paghahalintulad Teknolohiya noon at sa makabagong panahon (Information Technology):

1.Yung mga “hacker” pala noon gamit ay Itak (kayang kayang mas DOS-“Denial of Service”) at pumatid ng linya gamit ang mga itak.
2.Yung firewall pala noon ay “barbed-wire (alambreng may tinik)”
3.Tapos naka-encrypt yung mga messages noon gamit ang “Buko” at iniiwan sa gitna ng palayan =)
4.Ang epektibong “Social Networking” parin ng mga Pilipino ay sa harapan ng mga baraha/ saklaan.

http://en.wikipedia.org/wiki/Amigo_%28film%29

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: