Resiklo Ngayong Pasko

Hindi pa din mawala sa isip ko ang halaga ng Resiklo, tandang tanda ko pa noong nakakita ako sa Aurora ng kulungan ng mga panabong na manok na gawa sa mga lumang gulong ng saksakyan. Malinaw na malinaw sa akin na hindi kailangan nagiging habang buhay na tambak o magiging basura ang mga bagay bagay kung pagaganahin lang natin ang ating mga kokote sa pag tatrasform ng mga ito sa bagong kapakipakinabang na mga bagay.

RESIKLO NGAYONG PASKO
Ang sarap pa ding isipin na ang aming parol ngayong pasko ay gawa sa lata ng beer [1] at ang aming krismastri ay gawa sa basyong bote ng beer[2]. Salamat sa Redhorse at sa San Miguel Light…Este, sa  pamumuno ni Edwin Perez (a.k.a Resiklo King) para sa mga gawaing ito.🙂 Salamat din sa mga malilikot na utak at pagtutulungan ng mga #8liens

May bonus pa ngang Penguin [3] na gawa lang sa plastic na litro ng softdrink at lamparang gawa sa mga lumang CD at bote ng Redhorse [4]. +1

Matagal na naming usapan dito sa opisina na hanggat maari sa tuwing darating ang mga ganitong okasyon iba pa din yung dating pag nakakagawa ka ng mga dekorasyon na niresiklo. Naalala ko tuloy yung isang taon na si Bitoy naman ang bumanat ng krismastri na gawa sa mga lumang or mga sirang CD na nakatambak lang sa tabi tabi ng opisina namin.

Sa tulong ng mga malikhaing kamay at isip lalabas ang mga magagagandang ideya. Ika nga,Pagtutulungan lang mga tsong at tiyak na kaya naman talagang maging makulay ang pasok ng hindi kailangan magarbo o magastos.

Resiklo lang sa Pasko. Ikaw anong Resiklo mo?

Maligayang at Maboteng Pasko sa Inyong Lahat!

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: