Regalong Handog para sa Batang Isarog

Ramdam nyo na ba ang Pasko? Kami dito sa Pangkama ramdam na ramdam na. Kung bakit kailangang ipagdiwang ang Pasko gayong ramdam din natin ang paghihirap at patuloy na pagdaan ng araw ay isang pagtatalo malamang sa marami sa atin… Ngunit sa aming grupo’t barkadahan, walang pinipiling panahon ang pasko’t pagbibigay ng sarili. Para kanino ba ang Pasko? Ito’y para sa ating lahat… sa mga paslit pa at sa mga nalalabi pang musmos sa ating pagkatao kahit nalipasan na ang iba sa atin ng panahon.

Sa ika-2 ng Disyembre… ito’y para sa makakaniig naming mga Batang Bicolano…handa na kami para sa inyo ngayong Pasko. Parating na Kami! =)

Kaalinsabay ng pagpasok ng malamig na simoy ng hangin ngayong pasko, kami naman sa Pangkama ay nagtulong tulong at nakgkaisang maghanda para maghatid ng payak ngunit naglalayong masayang pagsalubong ng Pasko para sa mga bata sa paanan ng bundok ng Isarog. Siyanga ang Pasko sa aming grupo ngayon pasko ay sa piling ng mga batang Bicolano.

Nagkakaisa kami sa aming nakaapak na pananaw na hindi kailangang limpak limpak at nag-uumapaw na ang yaman mot salapi para makapagbahagi ka ng sarili mo at ng biyaya na natamo mula sa iyong pagsisikap at pagpupunyagi. Kung kayat noong nagbabalot kami ng mga ihahatid doon sa kabikulan ramdam na namin ang saya lalo na’t sinasabayan ito nang mga tawanan, may mga komerysal na Boy Pick-up pa…. Handa na… Tapos na naming balutin ang mga laruan,mga aklat, mga kaunting pagkain, mga tsinelas at kung ano ano pa. Sir Ron, Sir Yog, nabilang nyo bang lahat ng mga laruan at baka may nakabulsa riyan… nananawagan po kami kay Sir AlemaršŸ™‚ Kuya Macoy pakibilang nga ulit at baka nabawasan si barbie. =)Ā  Pasa dito pasa doon, saklob dito, balot doon,sama-sama sa halakhakan… ito ang hindi pa man pasko’y regalo na namin sa aming mga sarili na di kayang tapatan ng yaman. Sana araw-araw ganito ikanga ni Alemar Boton.


Kalakip ng aming layon ang panalangin ngayong Pasko na sana sa mga aklat, panulat, pangkulay, notebook at papel ay pag-asang magbunga ng mabuting kapalaran sa mga batang mabibiyayaan.

Sa mga walang sawang nagbibigay ng kanilang tulong at nagtiwala na kahit walang press release at media sa telebisyon, radyo at dyaryo… Muli at paulit-ulit ang aming mga pasasalamat sa inyo sa ngalan ng mga batang mapapangiti at mapapasaya nyo.

Siguradong Solb na kami! At ilang tulog nalang at tuloy na ang larga.

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Tagged with: , ,
Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: