Pasukan na naman

Pasukan na naman
June 5,2012
Ni:Meric B. Mara

Pasukan na naman
Estudyante’y siksikan
Upua’y kulang kulang
Sinisikil ang kamalayan

Naging bantayog na ng kamangmangan
Ang dapat sana’y pundasyon ng kaalaman
Silid-paaralan ay niyuyurakan
Pinagkakakitaan ng walang pitagan

Mahigit animnapung mag-aaral
Katapat isang gurong paham
Estuyante’y gutom at siksikan
Anong pa kayang matututunan?

Hungkag ang ating gobyerno
Tinumbuwal na ang mga prinsipyo
Damay ang mga batang bibo
Paaralan ay naging negosyo

Pasukan na naman
Hatid sa ati’y kalungkutan
Suntok sa kalinangan
Paarala’y sanhi pa ng black-eye na sa Lipunan.

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Tagged with:
Posted in tula
2 comments on “Pasukan na naman
  1. kiara says:

    walang sukat ang tula kaya mahirap

    • mericmara says:

      may iba-ibang porma ang Tula.Ang isa sa natutunan ko, minsan di kailangang may sukat.Kailangan lang ay ang magpahayag ng nasaloobin. Tulad ng isang pagkain, nakakasawa pag-iisa lang ang putahe. Isang Magandang umaga sa iyo at salamat at maligaw ka sa aking munting tahanan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: