Aral at Pag-asa sa East Dirita

Aral at Pag-asa sa East Dirita
ni:Meric B. Mara
June 18,2012

Sa aming grupong PANGKAMA, may kasabihan nga kaming “Hindi kailangan “mayaman” para makatulong sa kapwa”.   At muli namin itong pinatunayan at patuloy na binibigyang buhay kahit na gahol sa preparasyon, salat sa pera at gahol sa oras. Basta sama-sama sa pagkakaisa at misyon tiyak na kasiyahan ang kaganapan ng isang matagumpay na proyektong maghatid ng mga aklat, samot-saring gamit at kasiyahan at sa pagkakataong ito sa mga Batang Zambaleno naman ang aming sinugod na may temang “aral at pag-asa sa East Dirita“

Hunyo 15, 2012. Nagtatalo na ang hating gabi at ang madaling araw nang mag-umpisa pa lamang magkita-kita ang Grupong PANGKAMA: mga miyembro, mga kaibigan, organizer at volunteers.  Sa Edsa Central sa Crossing. Kwentuhan at kamustahan dahil nga abala sa kani-kaniyang buhay upang maitawid ang araw araw.  Kitang-kita sa bawat mga mukha ang pagkasabik at pagnanaiis sa isang dalisay at makulit na gawain.  Halos mag-aalauna na din ng umaga nang makumpleto ang grupo at magkaisang tumulak na papuntang San Antonio, Zambales Sa East Dirita, lulan ng dalawang pampasaherong jeep umarangkada na.

Ala-sinko y medya na,  araw ng Sabado Hunyo adiyesi-sais na at ramdam ng grupo ang pagbubukang liwayway na may halong ambon na syang nagsisilbing basbas ng grasya noong panahon na iyon, lalo na para sa mga nagsasaka. Sa wakas nakarating na din kami ng maluwalhati.

Matapos ang ilang minutong pag-iinat at pagpupungas ayan at naroong nagtipon ang grupo upang pag-usapan ang mga partisipasyon ng bawat isa sa magaganap na programa para sa araw na iyon. Si Sir Ron,Sir Ben at Sir Yog ang mga pangunahing punong-abala. Ipinamigay na din ang mga ID Tag at mga T-shirt na susuutin.

Alas Otso ng umaga ng magsimula nang magdatingan ang mga guro,mga mag-aaral at mga magulang. UMPISA NA ANG PROGRAMA. Mula kinder, una hanggang sa Ikaanim na  baytang na mag-aaral kanya-kanyang pila.

At dahil may kasabihan nga tayong “Harangan man ng sibat” tuloy ang laban..”Rain or Shine”.. Nagkani – kainyang pwesto ang mga volunteers ng Pangkama at handa na sa programang Balik Eskwela.

Maraming “challenges” ikanga ang sinuong noong araw na iyon, di inaasahan na lagpas sa bilang ang mga mag-aaral na umaasang mabibigyan. Magulo, maulan at pati mga magulang ay nakikigulo sa programa. Ngunit gayunpaman, umulan din ng awa at grasya dahil di lamang nagkasya ang mga ipamimigay, sumobra pa. Ganoon talaga pagka nagkakaisa at iniisip na maidaos ang misyong maisakatuparan ang araw na iyon ng masaya at walang bahid na kapaguran at pagkadismaya. Di alintana ang pagod, ulan at gutom… nairaos nang mapayapa at masaya ang programa.

This slideshow requires JavaScript.

Mga palaro… at palaro pa at ang Pamimigay ng mga gamit at raffle of prizes

Sa bumubuo, kasapi, kaibigan, volunteers at organizers at naniniwala sa Pangkama, aking nais bigyan ng diin ang mensaheng ito na ibinahagi din ni Deng sa fb:

“May the force be with all of you…. Once again, we have shared not just books, not just pens, pencils, notebooks, food, crayons, bags and toys…. but we shared a little yet significant part of ourselves. The pain, the suffering, the sacrifice, the time, the exhaustion… are all part of who we are…. and the big heart that comes with it…. we made it again… By sharing we made others happy… But with their smiles, thoughts and fondness that someone who is not their kin, nor a policitican, nobody they know cares… the kids made us a lot more happier…”

Sa muling nating pagkikita, pagsubok at pagkakataong, magkatulungan, magbigay tuwa, pag-asa at sa ating pagpuno ng ating sariling kasiyahan… Mabuhay!

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Posted in pangkama

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: