Ambilis ng pangyayari

Happy Birthday Demian!

hilong-hilo pa ako ng magising ng Lunes ng umaga. nagulat nalang ako sa message ng James sa Facebook at may 9k pa daw kaming kailangan bayaran.gustong mawala ng espirito ng alak sa katawan ko ngunit matindi pala talaga ang tama niting Jack Deniels at pilit akong hinahatak pabalik sa kama. nagtapos na usapan namin na sige makakihati nalang ako kahit pa ang pag-kakaalam ko at sagot ng maybertday dapat =).

Pilit kong inaalala ang mga nangyari..parang ambilis kasi at walang katorya-toryang ng kawasakan ang nangyari maliban sa Birthday ng aming kaibigang si Demian.

Ala una ng madaling ng umalis ako ng upisina upang magpunta sa guillys timog at dun daw ang salo salo. mag aalas dos na din ng dumating ako ng sinalubong ako ng Milo sa pinto ng lugar.
pagkapasok nandun na si Mark C at Demian kaya tamang bati naman ako sa kanina.

wala pang sampung minuto at may isang mama na ang sumuka sa likuran namin. badtrip naka short pa naman ako. ramdam kong tumatalsik sa aking mga binti yung samutsaring nanggagaling sa bibig ng mamang lasing.

kaya napilitan kaming lumipat ng mesa,maya maya pa ay dumating na din si Mark Q. tuloy tuloy ang kwentuhang pasigaw sa ingay. talon dito talon dun..ramdam kong matanda na talaga ako. di na ako sana’y sa ingay at sikuhan. Ika nga Lipas na ako sa buhay pagkabata.

maya maya pa, kailangan ko ng mag CR. pagkalabas ko ng banyo ramdam kong hindi ko na kakayanin pag nagpatuloy pa ako bigla nalang umikot ang paligid…LASING NA NGA AKO (ngayon ko nalang ulit naramdaman ang ganung pagkahilo). kaya mas minabuti ko nalang ng umuwi na agad at baka kung saan pa ako pulutin.

nagpara ako ng taxi at saba’y sabi sa mamang driver na “Kapitolyo Boss at medyo dahan dahan po tayo sa pagmamaneho”. Maya-maya pa pinagilid ko yung taxi at nasusuka ako. sabay tingin sa Cellphone ko mag 5;30 na tamang buka na ng liwanag ng paligid. mag aalasais na din ng umaga ng makarating ako pinto ng building namin at nag bayad ako ng taxi pag baba ko ng taxi, sabay kumaripas na ng takbo tapos yung paakyat na ako ng elevator napansin kong wala na yung cellphone ko. di ko na naabutan yung taxi nakakasama ng loob at tila baga sinadya ng drayber. tinatalo na ako ng Hilo at antok kaya mag ninais ko nalang ipahinga na muna.

ISANG HINDI MALILIMUTANG PANGYAYARI…ngayon eto’t pinaparusahan ko ang sarili ko dahil sa mga kaganapang ito. Dun sa nakakuha ng cellphone pagpalain ka sana at nawa’y ikayaman mo yan.
“Ambilis ng pangyayari”

Umalis ng may ngiti
Espirito ng alak ay bumati
Cellphone ay nawala
Todo ngayon ang parusa sa sarili

malapit na ang 2014, tamang tama at malapit na din ang aking kaarawan.
Isang linggong walang kainan na muna ngayon at habang buhay na wala ng inuman.
Panalangin ay lubos na katahimikan at kapayapaan.

 

 

 

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: