Ang Pasko ay Sumapit

Alis dyes y medya na ng umaga at ganap na din ang ngiti ng langit. Bigla kong naisip na Pasko na nga palang talaga.

Abala na ang mga bata sa kanilang paglilibot at sinusuyod na ang mga kabahayan upang mamasko.
Bigla ko ding naaala yung mga kababayan ko sa Tacloban, sa Aklan, sa Samar at sa iba pang lugar na nasalanta nitong nagdaang bagyo.
Kamusta na kaya ang Pasko nila? may ilang mga balita na akong nababasa sa mga dyaryong online.
Nakikita ko na ang matibay na pag-asa ang lutang na diwa ng Pasko. Nawa’y hindi lamang sa mga balitang ito matatagpuan ang
masayang paggunita ng kapaskuhan bagkos sa kanilang puso kasama ang kanilang mga mahal sa buhay. At sa kabila ng tunay na sitwasyon ngayon, nawa’y hindi maging hadlang upang gunitain ang natatanging araw na ito. Naalala ko din yung ibang mga Politiko at mga alta de syudad na kababayan natin na may naglalakihang Christmas Tree sa kanilang bahay at masasarap na handa sa kanilang hapagkainan. Ano bang masasabi ko sa inyo kundi CONGRATS at pagpalain pa kayo! yun lang..

Basta wag nating kalimutan, laging MAY PAG-ASA! Tsaka ganyan tayong mga PINOY (https://mericmara.wordpress.com/2013/11/09/pinoy-kami/) di ba? tuloy tuloy lang at lumalaban. Hangad ko ang patuloy na pagbawi at pag-asa para sa ating lahat. Pantay pantay na kasaganahan para sa ating lahat.

Maligayang Pasko sa inyo!

Ako? Hindi man ganun kaganda ang aking pakiramdam ngayon (eto at madungis pa at inom ng gamot).
Tuloy na tuloy pa din ang Pasko…Walang susuko!
Dun sa mga inaanak ko, nandito lang ako. Wag kayong magtatago. =)

Teka at kakanta na din ako..

“Ang Pasko ay sumapit
Tayo ay mangagsiawit
Ng magagandang himig
Dahil sa Diyos ay pag-ibig

Nang si Kristo’y isilang
May tatlong haring nagsidalaw
At ang bawa’t isa ay nagsipaghandog
Ng tanging alay

Koro:
Bagong Taon ay magbagong-buhay
Nang Lumigaya ang ating bayan
Tayo’y magsikap upang makamtan
Natin ang kasaganaan

Tayo’y mangagsiawit
Habang ang mundo’y tahimik
Ang araw ay sumapit
Ng sanggol na dulot ng langit

Tayo ay magmahalan
Ating sundin ang gintong aral
At magbuhat ngayon
Kahit hindi Pasko ay magbigayan”

Kayo Dyan? Kamusta naman ang Pasko nyo?

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: