Sa Talikuran lang magaling

Ilang araw na din akong hindi makatulog ng maigi. Kung maipipikit ko man yung mata ko,tila laging bumabalik sa aking isipan ang sinabi ni Marco, Meric, “Loose Cannon” yung shot ng kasama mo. Nakakawala ng Tiwala.

Salamat Marco sa iyong pag-papaalala patungkol sa isa naming kasama.

Kaya pilit kong ine-extract pa din sa utak ko yung mga tinatawag na “Benefit of the doubt”, Marahil kapos kaya nagagawang gumawa ng mga sideline? Marahil patungkol ito sa tinatawag na personal na interest? Marahil nahihiyang mag-sabi sa amin, pwede ding talagang tarantado lang itong kakosa natin na ito at hindi nag-iisip. Pilit na pinaliliit ang sariling mundo. Maaring, kapos din sa pinansyal,maaring hindi lang talaga malalim ang malasakit,maaring sarili lang nya ang mahalaga o maaring walang silbi ang mga naibigay namin sa kanya. Madaming naglalaro sa aking isipan. Maraming mga tanong =(

Hindi ko pa din lubos maisip bakit madaming mga tao na ninenegoso pa ang negosyo na. ang mga masakit kasi dito
1.nakokompromise yung mga mahahalagang gawain
2.kawawa naman yung mga iba naming katoto, paano ako? sa patuloy naming paghihirap na ang iba sa amin ay nagkakasakit na. bibiyahe pa kami na probinsya para lang matapos ang ang mga gawain sa kabila ng maliit pa aming komponsasyon. paano kaming naniniwala sa adhikain? paano na ang pag-sulong kung may mga kakampi ka na hinahatak ka paatras? marahil mabagal.
3.paano na ang mataas na estado ng paaralang binabandera kung ganyang uri at mga gawa lang pala ang mas minamaster-ang panggagamit at ang pang-aapak sa mga maliliit at mga mahihina.Ay sya! Sa Talikuran lang magaling.

Ang mahalaga, ALAM NA NAMIN at sa kabila ng mga ito, patuloy pa din namin isusulong sa kaya ang aming mga kaalaman at mga kakayahan ang aming layunin, ang gumawa para sa mga marami lalo’t higit para sa mga susunod na henerasyon at mga nagdarahop. Ang mahalaga din dito, hindi ang mga tinatawag na mahina “o kami” ang syang gumagawa ng mga gawain ng mga duwag.Bahala na ang dyos.

ISANG PANALANGIN
Gawabayan nyo po ang aking mga kasama
Ilayo nyo po sila sa mga maling gawain
Payapain nyo po sana ang aming mga isipan
‘Wag nyo po kaming pababayan sa aming mga pinaglalaban
Inaalay po namin ang lahat ng mga paniniwa at pag-sulong
Sa pangalan ng inyong anak na si Hesus, AMEN!

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: