Gusto ko ka-proud proud yung gawa. Di yung basta gumagana lang

Ang pinaka masakit na gagawin mo para sa mga kasama mo ay yung bang ilalagay mo sila sa alanganin dahil sa paniniwalang magaling ka, sa paniniwalang ikaw lang ang makakasolb ng mas mahihirap na parte ng proyekto. HINDI ITO uubra at maraming mga gegewang na parte sa makitas na adhikain dahil sa mga kagaguhang ito.

Kaya sa aming grupo pilit kong pinapaintindi ang halaga ng teamwork, and halaga ng commitment at didikasyon sa trabaho. Nawa’y wag itong mauwi lamang sa mga salita,nawa’y mag bigay ito ng matibay na inspirasyon para sa kanilang paglago. Patuloy akong nagpaparaya,nagpupuyat at binibigay ang sarili upang mabigyan ng magandang pagkakataon ang aking mga kasama. Hanggat kaya ng aking lakas,Sige at sulong ng sulong.

PANALANGIN: Wag mo po sana akong hayaang sumuko at bumigay ng maaga upang magpatuloy pa po ang aking halaga. Ang magbahagi at magparaya para sa ikakaunlad ng madami. Na patuloy pa kaming gumawa ng mga bagay na talagang sulit at tunay mo na maipagmamalaki at mga dapat tularang trabaho. Amen!

Sana,sa susunod na mga salbo ng aming mga pinagkakaabalahan ay tunay kaming makaintindi. Maging mas matikas na sana ang aming team, ang aming grupo sa pagsolb patungkol sa aming mga gawain. Sana’y tama ang aming mga sinasandalan-ang isa’t-isa, Sana’y tunay na maaasahan ang aking mga kasama hindi lamang sa salita bagkos magpatunay sila sa gawa. Tumanda na sana yung mga “immature” at patuloy na gumawa ng mga proyekto na laging natatapos “on-time” at dapat na matiyak ang KALIDAD ng mga ginagawa.

Naalala ko tuloy itong usapan namin ni Rosa, ang aming Head ng QA/PM. Sinabi nya ito patungkol sa aming mga proyekto na sana’y tumanim sa utak ng aming mga kasama.

“Gusto ko ka-proud proud yung gawa. Di yung basta gumagana lang”

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: