‘Wag mahihiya sa matatanda

Noong bata ako, naaalala kong tumatabi ako sa mga nag-iinuman mga matatanda sa amin. May dala akong kwaderno upang mag sulat ng mga bagong matututunan. Mano ba naman kasi, sa amin noong unang panahon, aktibo ang mga matatandang nagkukwentuhan paano nila mapapaganda ang aming lugar, paano nila maitataas ang programa nilang “bantay purok” ano ang kanilang mga aksyon na gagawin sa paprotektahan ang mga mamamamayan sa mga aswang, sa mga sakuna. Minsan na uuwi pa silas sa mga nakakatwang hutahan o mga “Jokes” na syang nakakaaliw din pakinggan. Sa madaling sabi, Madami akong natutunan sa kanila.

Ngayon, napupuna ko maraming mga bata ang natatakot na matututo sa mga matatanda. Maging ito’y usaping teknikal o patungkol sa mga hamon ng buhay. Mas nauuna kasi ang kanilang mga EGO o mga yabang sa katawan, mas mahaga pa din sa madami mga kabataan ngayon ang sarili, kumpara sa pagmamahal sa paggawa para sa lipunan at bayan. Mas mahalaga pa din sa kanila ang magkaroon pa ng mga grupo para sa mga katarantaduhan kasya ang maglaan ng panahon para sa kabuluhan. minsan nga natatanong ko ang akin sarili, ano na bang nangyayari sa mundo ngayon? sa mga bata ngayon? MGA BASTOS at WALANG MODO! (hindi naman sa paglalahat) Madalas pa nga habang kinakausap mo ay naglalaro na parang walang naririnig. (walang pakiaalam sa mga may pakialam) sana layuan ako ng mga ganitong uri ng tao na kung saan mas mataas pa ang pangaabuso at panglalamang kaysa sa height nila.

Kaya ngayon nais ko lang magpaalala sa mga kabataan. madami kayong mga matutunan sa mga matatanda. MAKINIG (kung maaari ay magtala) mahaba na ang kanila mga naging experience na syang magbibigay sa mga kabataan ng mabilisan lunas, mga “shortcut” upang maging mabilis masulba ang mga suliranin. pahalagahan sila, at wag mahihiya sa kanila. Kaunting GALANG at HIYA!

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: