Tungaw

Ano ang tungaw?
naku, Hindi ko alam…

Tapos biglang ipapaliwanag na “isa itong maliit na insektong pula na madalas na sumisiksik sa balat,makati, ang kati-kati…

Bigla kong naalala yung usapin at kwentuhang “parasite” na kung saan inihahabing namin ito sa mga taong walang ginawa kundi yung kumapit lang ng kumapit at magsisiksik lang, wala kasing kakayahan. Madalas lang ay umasa ng umasa sa mga pinaghihirapan ng ibang mga tao. Maraming ganito sa paligid at tila di nila alam na ganito sila.

Mga senyales na may mga parasite kang kasama:

1.Di marunong mag-ligpit ng higaan (hahaha)
2.Hindi marunong mag-ambag
3.Makapal ang mukha at talagang pabigat lang sa samahan,talagang tamad
4.Nag-yayabang lang, ngunit pagsinukat mo-wala talaga.
5.Manhid sa mga nangyayari at nagkikibit balikat lang
6.Madalas mangutang at hindi nagbabayad (akala nya kanya na iyon. at eto pa, hindi marunong magpasalamat)
7.Walang konsepto ng “achievement” at talagang laging umaasa
8.Walang disposisyon at walang pinaglalaban
9.Puro tangap lang at hindi marunong magbigay
10.masarap tirisin,sapakin o kung ano man (promis nakakagigil sila)

Ngayon mag itatawag na ako sa ganitong mga tao. “MGA TUNGAW”

Mag-ingat at matuto tayong tumanggi.

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: