Binata na si Matt

1988 nun at grade 5 ako, tandang tanda ko pa noong niyaya ako ng tito edgar ko sa harapan ng bahay nila Raymund(kababata ko) ay may pilahan daw ng mga kabataang nagbibinata para sa Tuli sa pamamagitan ng pukpok. 

Katatapos ko lang maglaro ng basketball noon sabay sabi ng Tito ko na maghanda daw ako ng baro-baro (Sabay tanong sa sarili na kung ano iyon) tapos mag pitas na daw ako ng mga talbos ng bayabas at bimuli ng isang stick ng Sigarilyo upang pangbayad sa magtutuli sa amin. OO BIGLAAN ANG TULI 😊 Parang napadaan lang sa kung saan. 😊

Sa tabi ng balon, pili pila na kami..kung may sampung bata kami noon-aba’y meron. naghahatakan kung sino ang mauuna nagkakahiyaan pang minsan at nagtatawanan. Naalala ko yung mag tutuli sa amin gamit ang labaha,tangakay ng bayabas na kung saan dun namin isinusuksok ang aming ari,may alkohol at meron din syang patpat na pamukpok. noong panahon na iyon wala pa akong konsepto na tuli ng doktor. talagang maglalangas ka gamit ang sabaw ng pinakuluang dahon ng bayabas. nakakatuwa lang balikan ang mga pangyayaring iyon sa tabi ng balon nila Raymund.
(Takbo natin ang kwento sa kasalukuyan)Nitong June 7,2015 Aba’y si Matt naman-sa Doktor at Serbis pa sa bahay. May binata na ako. 😊 Nawa’y pagdating ng panahon may magandang makwento din itong binata natin.
   
 

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: