Tirador ng kaning lamig.

Tirador ng kaning lamig.
Hay Bahaw! (Usaping Opisina tayo)
Nitong nakaraan, Hindi ako nakatulog. Ako’y labis na ngangamba na may mga tao pala na tunay mong pinagkakatiwalaan ngunit talagang sasaksakin ka ng wagas. Yung inaasan mong katuwang mo sana sa pagpapaunlad ng adhikain ay syang palang ugat ng pangaabuso at kaganidan. YUng bang, itinataguyod mo ang isang maliit na institusyon ngunit nasasabayan ka ng MALAKING pangaabuso,Pagsasamantala at pagnanakaw.
Sa pagkakataong ito napapakamot ako ng ulo. 
Aba’y talaga nga namang may mga taong sadyang pampapapogi lang ang nais. Yung bang gagawa ng mga bagay bagay upang ikasikat lamang ng sarili walang pakiaalam kung may mga maaapakang iba tao. Kunwa’y nagmamalasakit ngunit sa likuran ay sarili lang ang iniisip at patuloy na nanlilinlang. Ang masakit CONFLICT ang mga ginagawa kung ikukumpara sa tunay na adhikain. Kundi hindi conflict, TAMBAY ang paboritong gawain.
CONFLICT+PATALIKOD ANG BANAT+SARILING INTERES=TIRADOR NG KANING LAMIG.
Wala na akong masabi kundi ang magbigay nalang ng payo.
1. Umiwas sa mga gawaing conflict sa opisina, konting hiya man lang.

2. Wag ng mandamay ng mga mas nakakabatang mga kasama or empleyado sa pag gawa ng mga kabulastugan.

3. Maging tunay na taga pag lingkod ng adhikain at wag maging lingkod ng “alt+tab” o pagkukubli. Maging tapat sa gawain.

4.Isaalanag alang din ang damdamin ng mga nasa palikid hindi ang sarili.
Madali namang isipin, kung nagmamalasakit ka? isusulong mo ang adhikain o mga produkto ng pinapahalagahan mong institusyon hindi yung magkakamal ka ng barya ng

patalikod. Nakakahiya mang isipin, talagang napapakamot ako ng ulo sa pagiisip dahil sa mga tirador ng kaning lamig. HAY BAHAW! 
Tirador ng Kaning Lamig
Walang hiya at walang pakiramdam

Basta sarili ay mapagbigyan

Mag kamal ng barya ang syang libangan

di alintana ang kasarinlan
Salungat na pag-uugali

Dahilan na ang adhikain ay mabali

Kasinungalingan ang namumutawi

Sa makasariling tao na walang pasubali
Titira yan ng patalikod

Walang bayag na banat ang sunong

Astang pogi ang nais na sugod

pinupodpod nitong uring tuod
Yan ang tirador ng kaning lamig

Panlalamang ang iyong madidinig

Pumapasag kahit mali at puro kabig

Tunay kang mayayamot sa BAHAW na maligalig.

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: