Kaya ng mga Pinoy ang makipagsabayan sa mundo, Ang Pilipinas ang Hindi

Naalala ko lang ang isang magandang kwentuhan kasama ang mga matatanda at isang Briton na biglang nagtanong, kung mas magaling daw ba ang pinoy sa iba at bakit hindi naman sumisikat ang mga pinoy, na parang hindi dekalibre. 
Ako’y napangiti at sabay buong sa sarili na ,”Ibang lahi nga naman” 😊

Ang nakakatuwang isipin at napatunayan ko na ng maraming beses na talagang mahuhusay ang mga Pinoy kumpara sa iba. Maarin tayong tawaging mahirap na bansa (sa ngayon),marahil Wala tayo ng tinatawag na “advantage” na white skin na syang sa unang tingin palang ay hindi ka na mapagkakamalang mangmang. Marahil karamihan sa ating lahi ay walang pakiaalam sa mundong ginagawalan. Ngunit ang katotohanan, Marami pa din ang mahuhusay at nagaalay ng panahon para aumunlad ang ating bansa.
Sa usaping kung mas magaling daw tayo sa iba, maaaring HINDI. Ngunit sa pagkakataong ito at sa panahong ito kaya naman nating sumabay sa mundo,ang mag sulba sa mga pangangailangan ng mundo lalo’t patungkol sa teknolohiya. wala sa kakayanan natin ang isyu kundi nasa ating Bansa, sa Pilipinas. Dahil sa ang nakakaraming nagpapatakbo nito ay hindi alam ang usapin ng pagunlad. Bagkos na master na nila ang usaping bulsa, ang pangongrakot at pananakot ng mga maliliit. 
Kayang kaya ng mga Pilipinong makipagsabayan sa telento, sa inobasyon , sa paglinang at paggawa ng mga kakaibigang bagay na may halaga at kabuluhan. Masakit mang isipin ang ating Bansa ang hindi handa. Hindi pa handa ang Pilipinas na suportahan ang mga Pilipinong manlilikha. 
Sana sa paglaon ng panahon. Magkaroon tayo ng mahusay na lider.yung bang inuunawa ang posisyon ang ating kasarinlan. Sana’y magkaroon din ng Mahusay na pagpapatupad ng mga naisulat ng mga batas at patakaran. Sa ganitong paraan, taas noon na tayo at matatawag na mga dayuhan na “mahuhusay” na indibidual para sa bayan, ng walang pagiimbot. 
 Muli, Kaya ng mga Pinoy ang makipagsabayan sa mundo, Ang Pilipinas ang Hindi.

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: