Sweldo ng Buhay

hello geekineers,

payroll’s done. 

Enjoy your weekend!
August 15, 1:24am ng lumanding itong email na ito sa aming mga inbox para sabihin may payroll or sweldo na naman kami. Patunay na may bendisyon o pagpapala na naman ang grupo sa kabila ng mga pag-subok. Ang katotohanan,Ako’y napapangiti at lumipas na naman ang isang kinsenas at kami’y nakaraos šŸ˜Š
Labis akong nagpapasalamat at may  biyaya pa din na dumadating sa amin. Maging nasa panahon ng kaginahawaan o panahon ng kagipitan. Madami na din ang mga taong nangabuso sa amin at may mga taong patuloy na tumatangkilik at sumusuporta sa amin. Sa lahat ng mga ito,Maging mabuti man o masama,walang halong pagsisi at pag-iimbot. madami akong mga natutunan, madami akong mga nakikilala, dito mo lang din makikita ang pagkakaiba-iba ng uri ng mga tao. Marami ang nabubuhay ng mas mataas pa ang makasariling interest kaysa sa sarili.
Ako’y hindi lumaki sa yaman, kita ko ang paghihirap ng mga magulang ko sa amin noong kami’y nag-aaral. Nakita ko din na hindi sapat ang kanilang sweldo kaya walang ibang paraan kundi mag-aral ng mabuti at gumawa ng mga bagay na sana’y magpagaan sa kanilang damdamin. Dito ko masasabi na sa aking pagkabata ay tuna’y na may laban. Kailangan magsumikap. Yun bang tipong mas mahalaga ang kwaderno at lapis kaysa sariling intest habang yakap ang paniniwala na aahon din kami at nawa’y maging makabuluhang tao pagdatin ng panahon. 
Dito sa mundong ito, wala naman akong ninais kundi ang sana maibahagi ko ang aking sarili, upang maging parte ng mga bagay bagay na nakakatulong para sa ating bansa. madami na din akong mga pagkakamali na syang nagbibigay sa akin ng mga pagkakataon na ako’y matuto.OO, ang matuto…at talagang madami na. Ang mga Masasaya,Malulungkot,Makukulay,Makabuluhan na pangyayari na syang nagsasabi na masarap ang mabuhay lalo’t lumalaban ka para sa marami at nawa’y ang mga akda ay mapakinabangan ng mga susunod na henerasyon.

Higit sa salapi na lagi kong nakukuha tuwing Akinse at Katapusan.Ang HINDI MALILIMUTANG ISTORYA,mga NGITI sa hirap at ginhawa,Sa mga kasama,pamilya at mga kaibigan na HINDI NANGIWAN sa kabila ng mga pagsubok o problema,sa patuloy na INOBASYON,Sa mga ginhawa sa likod ng mga Tula at Musika. Maraming salamat at naging sulit ang SWELDO ng BUHAY.

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: