Ang Fake!- Tara kwetuhan tayo?

Dahil malakas ang ulan,magsusulat muna ako habang nagpapatila.
Aba’y Nakakatawa naman. 😊 Kapag ang Fake ang nagsabi ng Fake ay tunay na nakaka Fake 😊 
Minsan nagkaroon ako ng kasama sa trabaho na sa tingin ko magiging makabuluhan ang pagsulong para sa pagbabago. Buong Buo kong binigay ang tiwala,ibinahagi ko ang aking kakapirangot na resources ng walang pag-iimbot. Naaaliw pa ako pag gumagawa ako ng mga paraan para masuportahan ang kanyang mga ninanais na proyekto. Nariyang lumalapit pa ako sa ibang mga investor para lang masuportahan ang mga bagay bagay.
Pero eto ang mga naging kapalit. (tamang labas lang ng sama ng loob)
1.Inubos ang aming resources.
2.Naging dakilang tambay-mag torrent at mag youtube lagi ang gawain.

3.Nag cecelabrate kami ng Aming Anibersaryo sa Upisina–nandun sa kabilang corner at nagpaplano paano kukunin at magiging kanila ang isa sa aming adbikasiya–ang hackathon.

4.Nagtuturo ng mga kabalbalan sa mga kabataan at nagtatanim ng mga bagay bagay na syang magiging dahilan ng pagbagsak ng adhikain. 

5.Magtroll ng Magtroll 

6.Puro pagpapaganda ng Identity at pag sikat ang inaatupag kahit kapalit nito ang adhikain.

7.Loose Cannon shot–aray! 

8.May Negosyo na, nenenegosyo pa. 

9.Maging sa mga personal na pangangailangan at sa mga pinansyal aba’y nandun kami lagi, basta kaya at meron.–TILA HINDI ito tumatanim.

10.Iniwan pa ang mga pwestong wala man lang output na pwedeng ipagmalaki. mga kapos na gawain, mga gawain ngayon ay aming inuulit.

11.Papasok lamang kapag gusto nya.

12.Atbp (dami eh! napapakamot lang ako sa ulo)

Naalala ko tuloy ang isang message ni Henyo sa SMS sa akin at tumutukoy ito na isang tao. “WALANG KWENTA” yan Sir! Wala lang iyan hindi iyan napapagod at nahihirapan kahit tayo ay puspusan.Wala lang iyan.
Ngayon ang maganda pa dito, binigyan pa ang kanyang sarili na magsabi ng fake kami. Paanong nangyari iyon? Kami ang inabuso,pinagpalanuhan tapos kami pa ang fake? Labo naman. 😊 Alam ko at malinaw sa amin ang adhikain marahil hindi kami kasing galing ng madami ngunit naniniwala kami na sa sama-sama at pagtutulungan mas magiging mahusay kami sa marahan ng pagsulong. Basta bukas ang kolaborasyon,ang pagsasabi ng mga bagay bagay upang umunlad,ang mag sabi ng mga SUHESYON upang magtuloy tuloy ang pagsulong. Maliit man ang aming sweldo ngayon naniniwala akong lalaki ito,lalaki kami. Marami mang iniwan na mga sakit sa ulo ang mga dating nakasama,tuloy tuloy namin itong susulbahin tungo sa pagbabago at pagunlad. 
Ano’t ano man, Ako’y nananalangin na sana ang mga taong ito at patuloy na bigyan ng biyaya. Kahit pa sinadya nilang saktan kami,ibagsak kami. Personal na hangad ko pa din ang kanilang pagunlad,na silay malayo sa sakit at nawa’y tunay na makita nila ang kanilang kaligayan sa buhay at wag sanang gawin sa kanila ang kanilang mga ginagawa. POSITIBO TAYO PARA SA LAHAT! (Yan Okay na ako!)

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: