Ninakaw na pangarap

Maari bang sabihin na ninakawan ka ng pangarap kung ikaw mismo ang gumagawa ng mga katarantatuhan para sa pangarap mo?

Maari bang sabihin na nanakawan ka ng pangarap kung traydor ka sa adhikain?

Maari bang sabihin na nanakawan ka ng pangarap kung mas inuuna mo ang sarili mong kapakinabangan?

Maari bang sabihin na nanakawan ka ng pangarap kung mas trabaho mong mag torrent at mag youtube kaysa gumawa ng mga kalidad na gawain?

Maari bang sabihin na nanakawan ka ng pangarap kung mas niyayakag mo ang mga kabataan sa mga katarantaduhan kaysa maging mandirigma sa karera?

Maari bang sabihin na nanakawan ka ng pangarap kung mayari ka na nga ng kumpamya ngunit confict naman ang ginagawa mong gawain?

Maari bang sabihin na nanakawan ka ng pangarap kung papasok ka lang sa gusto mong oras ng pasok at walang pakialam sa iba?

Maari bang sabihin na nanakawan ka ng pangarap kung ang gumagawa lang ng mga kritikal na solusyon ay mga kasama at hindi ka kasama?

Maari bang sabihin na nanakawan ka ng pangarap kung mas tamad ka pa sa pinakatamad sa opisina?

Maari bang sabihin na nanakawan ka ng pangarap kung kaning tutuong ang mas mahalaga kaysa ang sa kasarinlan?

Maari bang sabihin na nanakawan ka ng pangarap kung ang negosyong iyo na ay nenenegosyo mo pa?

Maari bang sabihin na nanakawan ka ng pangarap kung ikaw mismo ang tahasang magnanakaw ng pangarap ng iba?

Ano na bang mahirap na nagawa mo para sa pagtunton ng iyong pangarap? san na ba tumulo ang pawis mo sa pakikibaka at pakikipaglaban para sa marami?

Ano eksakto ang pangarap ang pinagsasabi mong hindot ka?
Hindi salita at mga akala ang mga magsusulong sa ating mga pangarap. Naniniwala ako na sa rebulosyunaryong paggawa at pagpapahalaga sa karamihan ang syang tunay na magiging susi upang maging makatotohanan ng ating mga pangarap. Hindi sa pagiging talangka natin makukuha ang ating mga minimithi bagkos sa mga sukat na paggawa. Yun bang, kaya nating sabihin na tayo ang nagpawis,naghirap at nagkakaisa para sa layuning mag-angat hindi lamang ng mga pangarap na personal bagkos para sa kaginhawaan ng marami at ng mga susunod na henerasyon. Susukatin ang ating pagpapahalaga sa madami at pangarap pag nag tagaktak tayo ng pawis sa pasusulong ng adhikain lalo’t nasa mahirap na sitwayon. hindi sa kaduwagan,katraydoran at pagalis para lamang sa sariling layon. Wag nating ipagkalat na nananakawan tayo ng pangarap kung tayo mismo ang magnanakaw ng ating pangarap at ng pangarap ng iba dahil sa ating mga katraydoran,makasarili at kaduwagan sa mahirap na sitwasyon. Wag magturo bagkos matutong manindigan

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: