‘Wag na nating pag-usapan

Naalala ko yung kabataan ko. Tuwing birthday ko, (bagong taon kasi) ay nasa office ako. Nandyan yung usaping Y2K,yung halaga ng client na magamit yung ginagawa namin,yun bang pag bakasyon ng iba (Alam kong mas malaki ang trabaho ko) Ang sarap ng feeling ng PINAGKATIWAlAAN KA ..walang pagsisi ang dami kong natutunan at bilang isang IT practitioner hindi ko ito iniinda at alam kong pinanganak akong ganito. MASAYA AKO at NATUTUTO AKO (Sige wag na nating pag-usapan)

Dun ako masaya,Yun bang lagi kong tinatanong yung Boss ko kung napakinabangan pa yung gawa ko? para naman nasusukat ko kung may silbi ba yung aking pinaghirapan. Yung kaya kong ipagmalaki ang gawa ko at kaya akong ipagmalaki ng kumpanyang pinagsilbihan ko. ika nga “TWO-WAY” at hindi lang ako ang laging tama sa aking pakiramdam.
Ngayon iba naman ang kwento. Alam kong hindi ako uring marangya. Hindi naman ako anak ng mga sikat na tao,alam kong mahirap ang aking tatahakin. Alam kong dapat akong pumili ng mga taong makakasama ko ng sa ganun sa maliit na paraan mag kasilbi naman ang bansang ito.Magamit naman “sana” namin yung aming mga pinagsama samang talento para sa madami. Alam kong madaming manloloko, alam kong madami na mabuti at masama. May mga” emo ” at mga nagkukunwari. Mga humuhusga at sila lagi ang tama. Ang dami tuloy tumatakbo sa utak ko na gusto kong pag-usapan.

1.Bakit ba hinahayaan ko ang mga late ay malate para magkaroon ng bersyon ng kwento nila?

2.Bakit ba nagpapainom ako gamit ang sarili kong pera sa mga taong hindi ko naman kaano ano?

3.Bakit ba inuuna ko pa ang lahat na sweweldo kahit ako wala?

4.Bakit ba ikakain ko nalang,ibibigay ko pa?

5.Bakit ba kahit wala ako ay nagbibigay ako sa mga nangungutang?

6.Bakit ba ang mga taong hindi naman nagagamit ang ginagawa nila ay pinababayaan ko lang?

7.Bakit ba nananakawan na ako ng mga oras,gamit at panahon ay hindi ako umaalma?

8.Bakit ba ako nag papatrain ng mga taong alam kong iiwan ako?

9.Bakit ba hinahayaan ko ang ilang mga partners ko na sinusulot ang aming  negosyo? 

10.Bakit ba isinasama ko sa adbokasiya ang mga taong hindi naman advocate?

11.Bakit ko sila ginagastusan ng eroplano at hotel ng hindi naman sila nagtatrabaho ng buong puso?

12.Bakit ba sa kabila na pangit ang mga code nila ay hinahayaan ko silang magyabang pa?

13.Bakit ba hinayaan ko silang magkwentuhan ng mga patungkol sa kanilang sariling interest?

14.Bakit ba hinahayaan ko ang mga taong bastos  sa polisiya ng institusyon?

15.Bakit ba kahit na master na nila ang “alt-tab” at hindi ako umaalma?

16.Bakit ba talagang kailangan makameet ako ng madaming palaka? As in mukhang palaka

17.Bakit ba isinasama ko sila sa mga boksing sa probinsya na alam ko namang wala naman sa utak at puso nila ang paggawa bagkos nasa bibig?

18.Bakit ba ako nakikipaginuman sa mga taong pinapaniwalaan ko lang at wala namang napapatunayan pa?

19.Bakit ba kailangan kong isolb ang mga tae na iniwan sa akin ng mga dating gungong kasama?

20.Bakit ba pati yung mga usaping gobyerno (BIR,SSS,PAGIBIG) na pinabayaan ng mga taong kinakatigan ko ay kailangan kong isulba?

21.Bakit ba nagsama ako ng mga “partners” na pag may problemang upisina ay walang ginagawa bagkos may kakayanan pang magyoutube,magtorrent at magpuslit sa trabaho?

22.Bakit ba tuwing sisigaw ako na wala na kaming pera ay ako lang din ang magsusulba dahil wala namang pakialam ang iba. Ako pa din ang mangungutang para itawid ang lahat (renta,sweldo etc) *yun bang hindi sila natataranta sa redflag

23.Bakit ba pag walang matulugan ang aking mga kasama ay una kong ibibigay ang aking unan at opisina?

24.Bakit ba tuwing masasaktan ang mga kasama ko sa iilang salita ay labis silang nagdadamdam imbis na matuto at gumanap?

25.Bakit ba ang simpleng “git” na hindi maimplement ng mga kasama ko ay hindi ko inaalma?

26.Bakit ba kahit may mag-uwi ng gamit ko ng walang paalam ay okay lang?

27.Bakit ba may mga tao na nag ke-claim na ang project nila ay naka DEPLOY kahit hindi naan ginagamit o namatay na?

28.Bakit tuwing mag bebertday ang mga kasama ko ay kailangan kong magbigay ng cake at pancit?

29.Bakit ba pag  may nagsasabi akong mga kasama na “dito na muna ako sa bahay” mag tatrabaho sir ay pumapayag ako?

30.Baikt may nagsasabi ng call of duty na hindi naman nasusukat ang ginagawa?

31.Bakit pag may kasama  ako na bastos mag email sa client ay ako pa din ang mag susulba?

32.Bakit ba may kasama ako na imbes na iangat ang estado ng institusyon ay sa talikuran gumagawa ng mga katarantaduhan?

33.Bakit ba ako nagbibigay sa mga duwag na kasama ng sweldo sa kabila ng walang output na usuable?

34.Bakit ba nag kakasilbi ang pagpupuyat o paggugugol ng panahon kung wala namang nagagamit or na poproduce na output?yung kagagamit gamit na output. bakit may mga ganitong kahibangan?

35.Bakit ba ang mga problemang personal ng mga kasama ko ay dapat kong asikasuhin?

36.Bakit may mga taong pasaway at hindi marunong sumunod sa simple ng utos?

37.Bakit hindi ko isinisisi  ang mga taong incompetent  kahit di tapos na project (nabinabayaran)at walang tuloy kaming malaking sweldo.

38.Bakit kahit hindi nagdodocument ng trabaho  ang mga damuho ay di ako umaalma?

39.Bakit ko hinahayaang sumuweldo ang mga taong pumapasok ngunit ibang trabaho ang ginagawa?

40.bakit hindi ako nagagalit sa mga taong pumapasok lang kung kailan nila gusto?

41.bakit payag ako sa mga nagresign na wala namang dahilan sa resignation?

42.bakit payag ako na  nagsisinunging pa ang mga tao at ginagamit pa ang pamilya sa pagreresign?

43.Bakit  hindi ako sumusuko kahit ang madami ay nagdadahilan lamang para sumuko?

44.bakit ba iniiisip ko na sana nakalaptop lahat mg mga kasama ko para mapagaang ang kanilang paggawa? Kahit personal na pera ko pa ang magamit.

45.Bakit masaya akong umunlad ang mga taong nawala nasa aming puder? Bakit hindi ko kasuhan kahit ako’y may karapatan?

46.Bakit natututo akong ipagdasal ang mga taong mamgaabuso sa mga lumalaban sa hamon ng buhay ?

47.Bakit ikinakamot ko nalang ng ulo ang mga taong bugok,na masama sa bumbunan nilang bumili ng itlog? 

48.Bakit kinikibit balikat ko lang ang mga taong sinabihan ko ng wag gamitin sa sideline ang mga tao at ginagawa pa din ng talikuran? Kahit ba na sinabi mo na sa harapan nya. “Tanginang kakupalan yan”

49.Bakit ko ba iniisip dalhan sila ng pasalubong sa tuwing ako’y galing sa ibang lugar gayung di naman ito mahalaga sa kanila?

50.Bakit kailangan isipan ko ng solusyon ang mga problema nila sa personal na buhay nila?

51.Bakit ko ba pinapautang ang mga  hindi naman marunong magbayad?

52.Bakit ba ako nakikiusap sa mga taong alam kong hindi naman nakikinig at tutulong?

53.Bakit ko ba  sinasabing malaki itong paghahatian natin sa mga taong malilit magisip?

54.Bakit ko ba pinipigilan ang mga kaibigan kong lawyer na pitsaraan itong mga taong nananakit sa amin at balimbing?

55.Bakit pinipreno kong manapak ang mga kaibigan ko sa mga taong pulpol na humuhuthot ng aming maliit na pinaghirapan?

56.bakit ko bininigyan ng mga tula at musika ang tao para sila sumaya? Kahit ang iba ay pumuporma lamang?

57.Bakit ba ang igsi ng memorya ng iba  at nagmamalinis pa kahit pa ang mga babaeng tinable nila ay ginagastusan at sinasagot ko pa ang bayaran?

58.Bakit ba pinagtatangol ko sila sa rayot kahit alam kong kami’y dehado na? 

59.Bakit ba nagliligtas ako ng Buhay ng mga taong sa likod ay minumura ka? Yung sinasaksak ka?

60.Bakit ba ako nagtatanggal ng insekto sa tenga ng taong ilalaglag ka? Tatraydorin ka?

61.Bakit ba natatawa ako sa mga taong nagpaumanhin at humingi ng tawad sa email ay sya pang nagmamalaki?

62.Bakit ba ang mga taong sabihan mo ng pagnanakaw nila para sa pagkatuto ay labis pang  mataas ng ihi nila?

63.Bakit? Bakit? bakit?

64.At madami pang bakit…(kulang itong pahina)

Ganito kasi ang buhay.=) EXCITING!!!

Kung si Heneral Luna ay napapagod. Sa pagkakataong ito. ako ay HINDI. At sana ay wag na muna.

“Ito ba talaga ang tadhana natin, Paco? Kalaban ang kalaban. Kalaban ang kakampi. Nakakapagod.” 

–Heneral Luna.



Madaming Matalino,Bobo,Tanga,Mayabang,Mabait,Nagpapahalaga,Mangagamit,Gusto lang sikat,Mala Aldub o Pastillas,bata,matanda,tomboy at bakla (LALO NA ANG MGA TALAKANG MATABA—mataba ang kagaguhan kaysa sa pagpapahalaga sa madami)  Sa ganitong mga bakit mo din nakikilala ang mga tunay mong kaibigan.



*Di naman ikaw ang nawalan ng “isang” kaibigan. SILA! 

Dito mo sila masusubukan. Dito tayo nagmamature (di tulad ng binubulalas ng iba na wala namang pang karanasan.) DITO tayo humuhusay sa pagpapahalaga sa madami.

Ang dami ko ng nakitang mga ganitong nilalang. Ang dami ko ng nakasamang ganito. Ganun lang iyon!!!.Kasi dito tayo natututo,Dito tayo tatanda,dito tayo magiging malungkot at masaya,Nagiging matatag, Eto ang tinatawag na “DYNAMICS NG BUHAY” Patunay lang na hindi tayo nabubuhay sa mundo ng TAMA at DAPAT. 

Pwede itong tawagin na susi ng pag-babago. DITO NAGKAKAROON NG IKA NGA—SUSUNOD NA BERSYON! MAKABULUHANG BERSYON. =) Ito ang kahalagahan ng LEKSYON! 
Pangako ko nga sa sarili. “IPAPARAYA NA KITA SA MADAMI”.May Pera o Wala patuloy ang paggawa ng may mga natututo(PADAYON LANG!) may nai-spark tayo na syang pagsisimulan ng mga bagong sibol,mga bagong mandirigma para sa inobasyon. Tapos na ang ating kabataan,tapos na ang “masyadong” masaya, NGAYON NA ANG PANAHON para magbigay silbi at esensya sa madami. Sana lang magabayan pa tayo sa mahabang panahon,mapalibutan ng mga taong nagpapahalaga hindi lang sa akin bagkos sa madami,Sa mga susunod na henerasyon. Hindi lang sa sweldo o pera nagkakaroon ng kulay. Sana madami ako nyan =) Hindi lang sa “Pasensya na” nagkakaroon ng bigat ang mga sinasabi. bagkos sa pag-gawa. sa pag-sukat ng mga ginagawa kung may IMPACT BA ITO o wala. dahil kung wala—patunay na walang saysay ang ating pagpapagal kahit pa sabihin nating nagkasakit tayo,o nadamay ang mga magulang at pamilya natin o kahit ano pa ang mga sinasabi natin. DUN LAMANG TAYO NAGKAKAROON NG KARAPANG MAGSALITA—pag may IMPACT na tayo (maliit man o malaki) basta madaming nakikinabang. MATUTO TAYO ng hindi nagmumura (ulol!!!)  (mahirap ang hindi tumatantya ng kalaban) Kaya nga kung gaganap tayo..gumanap tayo ng walang alinlangan (Tama o Mali—Basta may impact) ,makipagcollaborate (madami kang matutunan din sa iba). 
KAYA NGA kung madami pang mga eksena,drama at mga kwentong walang bigat. NAKU, WAG NA NATING PAG-USAPAN.

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s