BOGUS ngayong Eleksyon

Noong Isang araw may na meet akong nag ke-claim na taga COMELEC “daw” ang grupo nila. *Syepre ayaw namang magbigay ng ID or mga paraan para mapatunayan ito. At nagpresent na si alias Silver. Sinasabi nila na pwede daw madaya ang eleksyon sa kanilang mabisang mga paraan.

1.CF Card Switching

* na may na train na silang mga PCOS technician na malalakas ang loob at willing gawin ang pag switch ng CARD sa araw ng election bago mag transmit ng resulta ng boto.  

*Yung CF Card nila ay naglalaman ng tinatawag nilang “ALGORITHM” na syang magdadagdag sa boto ng kanditadong gusto mo. o inaawitan nila. May pakulo pa silang tinatawag na 3+1 na sa ikatlong boto ito’y dadagdag sa boto ng kandidatong nilalapitan nila. sa paraan na ito sini sigurado nilang may 30% na garantya ang kandidato.

*Magpapakita pa sila ng tinatawag na “Jammer” isang device na magpapatay ng mga signal ng telepono na syang gagamitin nila kung mag tatransmit na daw ng data. http://www.wolvesfleet.com/en/index.html para sa backup daw na CF ang gagamitin na kung saan nandun yung resulta o may laman ng mga boto na pomapabor sa kanditong magbabayad sa kanila.

*OO, yung bakcup na CF Card na sinasabi nila ay may boto ng laman.
2.Database Syncing

*Na may copy daw sila ng tinatawag na “book of voters” tapos nimomodify nila iyon ang sinisync daw sa book of voters ng COMELEC sa panahon ng bilangan. may time element daw iyon at dapat mabilis magawa.

*Ang nagbabasbas daw dito sa mga gawain ito ay yung mga namumuno o mga commisioners ng COMELEC. madami daw sila. Pati si James Jimenez, COMELEC Spokesperson ay kasama din daw ngunit maingat daw ito at m lumalayo lagi sa mga ganitong usapin para hindi halata. imagine nyo iyon? naisip pa nitong alias SIlver at grupo nila iyon? ANG KE-CREATIVE Sa katarantaduhan.
AS IN PARANG TOTOO Talaga! hahaha! (Natatawa pa din ako)
Inaasahan ko na ang ikukwento nila ay ang proseso ng election at paano hinahandle ng tama ang mga boto ng mga mamamayan. LECHE! nasayang lang ang oras ko, nasayang lang ang pera ko,nasayang lang. Nasira yung kwentuhan noong nagsimula na akong magtanong ng simple bagay.
“Nakakita ka na ba ng PCOS Machine?”
Noong sumagot sya ng hindi pa. Nagkamot ako ng ulo, nag-init ang dugo ko at nagagalit ako sa kanila at sa sarili ko kung bakit ako napasama sa meeting na iyon at nasasayangan ako sa panahon. Mga BOGUS! Syempre madami pa akong mga tinanong na wala naman silang masagot kahit isa. Nakahalata yung Kupal kaya dali daling nagempake at umalis. LECHE TALAGA! nakakasira ng araw! Kaya ikaw alias SILVER wag lang magkikita ang landas natin ulit. kakaltukan talaga kita. tandaan mo yan. tantanan nyo na iyang paghahanap ng mga lolokohin nyo.

Ako’y naniniwalawa pa din na may kredibilidad pa ang sistemang botohan para sa paghalal ng mga mamumuno para sa ating bayan. Dun sa mga kandidato na dadaan sa ganitong modus, maging maingat kayo. masarap pa ding manalo dahil kayo talaga ng ninanais ng mamamayang Pilipino. para sa tunay na Serbisyo Publiko!

About

ang mga pahinang ito ay walang nais isipi o pakahulugan.isang malaya at simpleng meric mara lamang sa harap ng mga simpleng titik,damdamin at mga personal na kaganapan.

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: